BUHAYIN NATIN ULI ANG DYARYO - JHEN BOLES

NAKAKATUWA naman itong celebrity/businesswoman na si Jhen Boles dahil kahit ang negosyo niya ay nabubuhay thru online (selling high end bags etc) ay naniniwala pa rin siya sa impact ng DYARYO, " Bubuhayin natin uli ang dyaryo," nasabi ni Madam Jhen sa kanyang live noong isang gabi sa Tres Chic Luxury Original Page kasama ang mga bigating sellers niya, ang aktor na si Rainier Castillo, ang bestfriend ni Madam Jhen na si Toni Co na nasa showbiz din at ang member ng Magic Voyz na si and Asher Diaz na cute na cute. Sa palagay ni Jhen, puwede pang manumbalik ang tiwala ng masa sa newspaper lalo na't talamak ang fake news ngayon sa social media na kapag may gusto silang durugin na tao ay madudurog talagasamantalang sa DYARYO, chill kalang na nagbabasa habang kumukuyakoy, good for the brain pa ito at iwas alzhiemer lalo na sa mga may edad na bukod siyempre sa na inform, na educate at na entertain ka na sa iyong pagbabasa. Bilang patunay na may pagpapahalag...