MAGIC VOYZ LAGING NANGUGULAT
By Timmy Basil /BLOG BUDDIES
NAPANOOD ko ang una, ikalawa at ikatlong pagtatanghal ng bagong tatag na all male group, ang Magic Voyz na kinabibilangan nina Rave Obado, Mhack Morales, Juan Calma, Johan Shane, Jhon Mark Marcia, Jace Ramos, Ian Briones and Asher Diaz na mina-manage ni Lito de Guzman.
Sa ikli ng pananatili nila sa music scene (wala pang one year) pero nakabuo na sila ng 3 songs, ang Wag Mo Akong Titigan, Bintana na pareho nang mada download sa Spotify at ang isa na ire record pa lang nila.
Under sila ng Viva Records at LDG Productions owned by Lito de Guzman .
Sa una at pangalawa nilang pagtatanghal ay minus one lang ang kanilang gamit pero noong November 29 ay full band set up sila at masasabi kong legit concert perfprmer na talaga sila.
Medyo sexy ang opening ng Magic Voyz at kasama nila ang kanilang special guests na sina Meggan Marie, Krista Miller at Buraot Queen with matching back up dancers.
Guest din nila ang magaling na singer na si Ram Castillo at mga Vivamax artists na sina Mariane Saint and Yda Manzano.
Level up na talaga ang grupo at hinangaan sila ng press at vloggers na nanood at napakaganda rin ang rapport ng Magic Voyz sa audience.
After ng show ay ininterbyu sila ng press na napakaganda ang feedback sa kanilang performance . Ako naman, gustong gusto ko ang Diewith A Smile number nina Johan at Jace lalo na ang All By Myself, gusto ko rin ang solo number ni Asher Diaz na nag showcase ng kanyang galing sa falcetto sa awiting KAhit Kailan, ang James Ingram Medley ni Rave Obado at ang Eraserheads medley nina Mhack, Juan , Ian at Jhon Mark.
Plano ng kanilang manager na next year ay baka sa isang mas malaking venue na mapapanood ang Magic Voyz na natitiyak kong mangugulat na nsman sila
Omg
ReplyDeleteAng gagaling nila promise
ReplyDelete