AKTOR NA SI POPPO LONTOC, NASABAK SA MATINDING AKSIYON SA "BEYOND THE CALL OF DUTY"

KUNG may malay (hahaha, malay daw o?) noong late '90s at kapag nagkataon na mahilig kayo sa mga gwapo at nagseseksihang mga aktor, siguro ay isa na sa inyong pinagpantasyahan itong si Poppo Lontoc. Ang gwapo naman kasi ni Poppo, metiso, flawless at isa sa edge niya sa mga sexy actors noon ay alaga siya ni Direk Maryo J. Delos Reyes na ilang taon nang namayapa.
Paboritong kunin ng mga film producer noon si Poppo dahil magaan itong katrabaho, hindi masskit sa ulo at nakakaarte naman. Pero nung mawala ang sexy movies, nabalitaan ko na lang na pabalik balik ito ng Japan. At least, tuloy tuloy pa rin ang kanyang kita. But lately, napapanood si Poppo na nagla live selling . Mga high end bags ang kanyang binebenta at sa tuwing sumasalang na siya, mapapa mine talaga ang mga madam dahil sa magaling itong mamboladas at mag sales talk. At ang maganda, hindi pa rin nawawalan ng projects si Poppo in fact, kasama siya ngayon sa action movie na Beyond the Call of Duty Nasabak si Poppo sa matinding action. Ilang araw din siya roon. Mukhang ito na ang hudyat sa muling pagbabalik ng action movies dito sa Pilipinas. Sana naman.
Nag-premiere noong isa g gabi ang nabanggit na action movie at dinaluhan ito ng mga prominenteng tao including Chavit Singson (thanks sa photo. Josh Mercado). Mababanaag sa mukha ng mga nanood ang kanilang pananabik sa action movies. Doon sa mga naku curious tungkol kay Poppo Lontoc, mapapanod nyo siya regularly na nagla live sa The BAGMAN -JMP/PL Page. . Mahusay siyang magbenta at minsan ay makikita rin siya sa Tres Chic Luxury Original page ni Jhen Boles. Walang competition sa kanila.
Congratulations nga pala sa iyo Poppo dahil kamakailan sy tumanggap ka n naaman ng pagkilala and this time, sa sa Southeast Asian Avhievement Award./ TIMMY BASIL/BLOG BUDDIES/ For articles like rhis, please contact me at timmybasil2k17@gmail.com

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"FEEL GOOD PILIPINAS" DANCE CHALLENGE FEAT. KZ AND BGYO

NICK VERA PEREZ UNLEASHES TWO MORE ALBUMS