BAGATSING at OCAMPO: Mga Haligi ng Serbisyong Pampubliko sa Maynila

Blog by TIMMY BASIL
SA ilalim ng makasaysayang pamana ng paglilingkod ng mga Bagatsing at Ocampo, pormal nang naghain ng kanilang kandidatura ang mga kinatawan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP)-Manila sa Commission on Elections (COMELEC)  sa SM Manila  noong Martes. Pinangunahan ng tumatakbong Alkalde ng Maynila, Ramon San Diego Bagatsing III at ng kanyang ka-running mate na si Pablo Dario Gorosin Ocampo, kandidato sa pagka Pangalawang Alkalde ang kanilang paghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) at Certificates of Candidacy (COC).
PAGSASAMA NG DALAWANG PAMILYA NG SERBISYO SA BAYAN  SA kabila ng hamon ng panahon, nananatiling buo ang dedikasyon ng mga Bagatsing at Ocampo na ipagpatuloy ang kanilang malinis na pangalan sa pamahalaan.  Kilala ang mga Bagatsing sa kanilang walang bahid ng korapsyon at tapat na paglilingkod mula pa noong termino ng dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing Sr., ang pinakamatagal na naglingkod ng alkalde ng lungsod.  Samantala, ipinagmamalaki naman ng mga Ocampo ang kanilang makasaysayang kontribusyon sa paglilingkod sa publiko, partikular na ang yumaong Congressman Pablo Villaroman Ocampo, ama ni Chikee Ocampo at ang anim na terminong serbisyo ng kanyang kapatid na si Congresswoman Sandy Ocampo sa ika-6 na Distrito ng Maynila.  Sa kanilang mga pangalan, nananatiling buhay ang prinsipyo ng mabuting pamamahala, malasakit sa taumbayan at pananagutan sa paglilingkod sa publiko. Ipinagpapatuloy nina Bagatsing at Ocampo ang haligi ng pamana ng kanilang mga pamilya sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nagsusulong ng tunay na pagbabago para sa isang Bagong Pilipinas.  PAGHARAP SA HAMON NG BAGONG PANAHON  Bilang mga pangunahing kandidato ng PFP-Manila, sina Bagatsing at Ocampo ay nananawagan sa mga Manilenyo na suportahan ang kanilang plataporma ng malinis, tapat at makataong pamamahala. 
Kasama rin sa kanilang slate ang mga kandidato sa pagka-konsehal tulad nina Aldwin Hamilton Tan, Eduardo V. Quintos XVI, Marilou M. Ocsan, Paulino Martin N. Ejercito Jr., Gloria V. Enriquez, Gladina A. Villar mula sa District 5 at Romualdo Billanes mula sa District 6. "Ang layunin namin ay maibalik ang dangal ng Maynila bilang sentro ng oportunidad at progreso, isang lungsod na may pagmamahal sa bayan  at disiplina sa pamumuno," ani Bagatsing.
Kami ay narito upang maglingkod na may malasakit at buong-pusong dedikasyon, na may takot sa at paggalang sa kapwa." BAGONG PAMUMUNO TUNGO SA BAGONG PILIPINAS
Sa pagsuporta ng PFP National President Gov. Reynaldo Tamayo at ng buong pamunuan ng partido, handang magsimula ng isang bagong kabanata sa pamahalaan ng Maynila ang tambalang Bagatsing at Ocampo . Ang kanilang pamumuno ay hindi lamang pagbabalik ng mga tradisyong politikal ng kanilang pamilya kundi pagsulong ng mga makabagong programa na naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad para sa lahat ng mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan .  "Panahon na para sa tunay na pagbabago sa ating lungsod. Ito rin ang laban ng bawat Manilenyo para sa isang Bagong Maynila at Bagong Pilipinas," pagtatapos ni Bagatsing .
SAMANTALA, gusto kong magpasalamat kay Madam Beck Bernabe sa pag-invite sa akin upang makaharap at makilala ang bumubuo ng Partido Federal ng Pilipinas Manila na ginanap sa Cabalen Restaurant sa SM Manila kahapon. / TIMMY BASIL - BLOG BUDDIES

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX