3 MAKIKISIG NA AKTOR SA DULANG "WALONG LIBONG PISO"

PUSPUSAN na ang rehearsals ng cast ng stage play na "Walong Libong Piso" na pinagbibidahan ng 3 aktor na game na game sa hubaran - sina Jhon Mark Marcia, Juan Calma at Paolo Gumabao. Medyo nakaka intriga ang title ng stage play na ito directed by former sexy actor Dante Balboa. Anong kinalaman sa Walong Libong Piso sa dula? Anong meron sa waloNG libong piso? May presyohan ba dito? Hhahaha! Ang nabanggit na 3 sexy actors ay parehong nagbida na sa pelikula particularly sa Vivamax. Malaking challenge ito sa kanila dahil stage play ito, live acting. Kung magkakamali ka ay walang retake. Kung malikimutan mo ang lines mo naku, bahala ka Mahahalata kasi ss live audience kaya dito talaga masusubukan ang galing nila hindi lang bilang sexy actor kundi bilang lehitimong aktor sa tanghalan JHON MARK MARCIA
BAGO naging Vivamax artist si Jhon Mark Marcia ay nag model muna siya sa mahabang panahon hanggang sa napunta siya sa Vivamax sa pamamagitan ng kanyang manager na si Lito de Guzman . Miyembro rin ng grupong Magic Voyz si Jhon at dito naman niya naipapakita ang other side niya, ang pagkanta at pagsayaw. Naidirek na rin si Jhon Mark ss mga batikang direktor gaya ni Joel Lamangan at itoy sa Sisid Marino.
JUAN CALMA Kung titingnang mabuti si Juan Calma lalo na in person, may resemblance siya kay Christopher Reeves, ang gumanap na Superman. Super macho and oozing with sex appeal si Juan Calma na tulad ni Jhon Mark ay nag bida na rin sa ilang indie films noon at maging sa Vivamax. Dating miyembro ng Magic Voyz si Juan Calma pero mas pinili niya mag concentrate sa pag arte kesa sumayaw pag kanta. Nawala man siya sa Magic Voyz, peto nananatiling intact ang friendship nito sa lahat ng miyembro ng grupo.
PAOLO GUMABAO, ANAK NI DENNIS ROLDAN Naikwento na noon ni Paolo Gumabao ang eksena nung first silang magkita ng kanyang biological father na si Dennis Roldan. Since may dugong artista, kaya napasok siya kaagad sa showbiz at nakapagbida na rin ng ilang sexy films Mahusay umarte si Paolo , may nagsassbi pa nga na mas magaling itong umarte kesa kanyang half brorher na si Marco Gumsbao. Well, malalaman natin yan sa Walong Libong Piso
DANTE BALBOA, FROM SEXY ACTOR TO DIRECTING Yes, naging sexy actor ang director ng Walong Libong Piso na si Dante Balboa. Ang dami ring naglaway sa kanya noon. Nawala si Dante sa showbiz dahil nagpakadalubhasa ito sa edukasyon, may doctorate degree na ito. Maswerte si Direk Dante dahil siya ang pinagkatiwalaan ng BenTria Productions para maisakatuparan ang stage play na ito. Goodluck sa inyo guys - TIMMY BASIL/ BLOG BUDDIES

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

AKTOR NA SI POPPO LONTOC, NASABAK SA MATINDING AKSIYON SA "BEYOND THE CALL OF DUTY"

"FEEL GOOD PILIPINAS" DANCE CHALLENGE FEAT. KZ AND BGYO

NICK VERA PEREZ UNLEASHES TWO MORE ALBUMS