SPRING IN PRAGUE, A UNIQUE INTERRACIAL LOVE STORY
KUMBAGA sa produkto, pang export quality ang pelikulang "Spring in Prague" starring Pinoy actor Paolo Gumabao and Czech model
actress, Sara Sandeva under Borracho Films owned by Atty. Ferdinand Topacio.
Isa itong interracial love story at ipinapakita dito na kahit anong lahi pa , kahit napakalayo pa nito sa Pilipinas at kahit na ang pamilya ng girl ay niyayakap pa rin ang Komunismo kahit matagal na itong nabuwag sa bansang Czech Republic not to mebtion ang pagiging over protected at masyadong konserbatibong tatay, still ... hahamakin mo ito lahat sa ngalan ng pag ibig.
Ganito umikot ang istorya ng Spring in Prague at kahit di magkalahi pero naging smooth naman daw ang takbo ng shooting, sabi ng bidang lalaki na si Paolo Gumabao sa Q And A after ng special screening ng nabanggit na pelikula na ginanap kagabi sa Uptown Mall Cinema sa BGC.
Kaya pala natagalan ang paggawa ng pelikula kasi kailangan pa nilang mag shoot during winter, at mag shoot during Summer sa Prague.
Pero mas maraming eksena ang kuha sa Pilipinas kungsaan ipinakita sa movie ang ganda ng ating bansa lalo na ang mga isla at mga beaches.
Present sa special screening si former First Gentleman Mike Arroyo na siyang producer ng movie. Isa itong true to life story na naikwento ng mga taga Czech Republic kay Former First Gentleman sa mga naging travels nila doon kasama si Atty. Topacio.
Acting wise, wala kang maipipintas kay Paolo Gumabao. Ang galing niya maging sa English dialogues. Akala mo talaga ay isa siyang international actor kung hi di mo siya kakilala.
Makatotohanan din ang akting sa gumanap na tatay ni Sara, isang makalumang taga Prague na hindi pa rin isinusuko ang Komunismo kahit na matagal na itong nagtapos sa kanilang bansa.
Okey din ang akting ni Marco Gomez na ang role ay co owner ni Paolo sa resort business nila. Mukhang paborito ni Atty. Topacio si Marco ah, kasama din iyo sa naunang film ng Boracho Films, ang Mamasapano.
Naging costumer nila ang bidang babaeng banyaga sa kanilang resort at nagkaroon sila ni Paolo ng whirlwind romance hanggang sa nahinto ang kanilang romansa dahil kailangang umuwi ng Prague si babae dahil 50/50 daw ang lagay ng kanyang ina na it turned out na gawa gawa lang pala ito ng kanyang ama.
DAHIL KAY MANAY ECHU
Naikwenho ni Atty. Topacio na ang Sampaguita Picture heiress na si Marichu Maceda na mas kilala bilang Manay Echu ang nagbukas ng kamalayan ng batang Topacio sa pelikula.
Classmate ni Topacio sa Law school ang isang anak ni Manay Echu at isa siya sa inimbita sa party sa Vera Perez Garden. Napaaga ng isang oras ng dating si Topacio at siguro upang hindi mainip ay inikot daw siya nito sa mga posters, mga larawan at iba pang memorabilia tungkol sa pelikula na gawa noon ng Sampaguita Pictures and right there and then, nasambit ni Topacio sa kanyang sarili na gagawa siya kahit isa man lang na pelikula bago siya mamatay.
Eh, nakatatlong pelikula na ang Borracho Films.
Yes, export quality ngang maituturing ang movie na ito at nakatakda na itong umikot sa mga sikat na internatioanal filmfests.
Pakaabangan nyo ito mga kaibigan.
Ang Spring in Prague ay sa direksiyon ni Direk Lester Dimaranan, ang direktor ng Mamasapano na nag number 1 sa Netflix .
Thank you Anne Venancio for the invites BLOG BUDDIES/TIMMY BASIL
For invitation pls. call 09566330987 or email at timmybasil2k17@gmail.com
Goodlyck Spring in Prague
ReplyDelete