SAKIT NA ADENOMYOSIS MUNTIK NANG NAGPAHINTO SA MGA PANGARAP NG SINGER NA SI CHRISTI FIDER
Isang fresh na fresh na Christi Fider ang humarap sa amin during the Thanks Giving of Saranggola Media Productions na ginanap sa Castilla Place kahapon. Nagulat na lang kami sa aming nalaman na gusto na raw palangmag-quit ang Star Music artist na si Christi sa industriya ng musika dahil sa isang health condition. May Adenomyosis si Christi na isang hormonal imbalance at kahit anong gawin niyang paraan para magpapayat ay hindi siya nagiging epektibo. “Yeah, I wanted to quit na talaga sa pagkanta. Pero biglang kinuha ako ng dating grupo namin sa Adobers Studios ng ABS-CBN. Ni-revive nila yung grupo namin,” pagtatapat ni Christi sa kanyang PRO na si Leo Bukas. Pinarangalan si Christi ng PMPC sa nakaraang Star Awards for Music ng Best New Female Recording Artist para sa kantang “Teka, Teka, Teka” na sinulat ni Joven Tan. “Because of my recent award from PMPC na-encourage ulit akong kumanta. I was given the chance to record an EP (extended playlist) album. Yung carrier single ko tit