SAKIT NA ADENOMYOSIS MUNTIK NANG NAGPAHINTO SA MGA PANGARAP NG SINGER NA SI CHRISTI FIDER

Isang fresh na fresh na Christi Fider ang humarap sa amin during the Thanks Giving of Saranggola Media Productions na ginanap sa Castilla Place kahapon. Nagulat na lang kami sa aming nalaman na gusto na raw palangmag-quit ang Star Music artist na si Christi sa industriya ng musika dahil sa isang health condition.
May Adenomyosis si Christi na isang hormonal imbalance at kahit anong gawin niyang paraan para magpapayat ay hindi siya nagiging epektibo. “Yeah, I wanted to quit na talaga sa pagkanta. Pero biglang kinuha ako ng dating grupo namin sa Adobers Studios ng ABS-CBN. Ni-revive nila yung grupo namin,” pagtatapat ni Christi sa kanyang PRO na si Leo Bukas. Pinarangalan si Christi ng PMPC sa nakaraang Star Awards for Music ng Best New Female Recording Artist para sa kantang “Teka, Teka, Teka” na sinulat ni Joven Tan. “Because of my recent award from PMPC na-encourage ulit akong kumanta. I was given the chance to record an EP (extended playlist) album. Yung carrier single ko titled ‘Reyna’ ang ginawang theme song ng bagong show ng ABS-CBN sa YouTube na tungkol sa mga drag queens na ang title ay Mudrakels,” ani Christi.
Ipinangako din ni Christi sa sarili na hindi na siya magiging conscious sa itsura niya kesehodang mag-gain pa siya ng weight. “2022 has been very challenging for me. At the beginning of the year I was very optimistic na I’m gonna own it. My goal was to be skinny because I felt like people will love me more. “I tried every diet that I could think of, I tried a lot of slimming pills, tea, basta lahat na. Still nothing happened. The most depressing part about it is that even if you’re trying so hard, people are still gonna comment as if you’re not doing anything. “So my day always end up me crying, then the next day I’m gonna binge and make up for the days na hindi ako kumain. Then I found out I have PCOS and Adenomyosis that’s why I’m not losing weight. BASAHIN: Star Music artist Christi Fider reacts to being compared to Moira Dela Torre “I was about to give up when @pancho and @des encouraged me to love myself more. Embrace my curves daw. Nagulat ako kasi they’re the first in the industry na nagsabi na I can make it kahit hindi ako payat. “‘Reyna’ is all about loving yourself, being confident, and not giving a f*** about what others think. Ako ang reyna ng mundo ko.
Samantala, sa nasabing thanks giving ay dumating din ang award winning actor na si John Arcilla . Gaya ni Christi, nagpapasalamat din ito sa PMPC dahil tumanggap ito ng kanyang first Star Awards best actor award kamakailan para sa pelikulang "Suarez:The Healing Priest." Sa mga fans ni John, abang-abang lang kayo dahil baka magkaroon ng concert si John bago matapos ang taon. At gusto niyang makasama sa concert sina Regine Velasquez at Celeste Legaspi. Ang dalawa ay nakasama na ni John sa magkaibang musical.
Ipinakilala din sa event na iyon ang young singer na si Shera na kumanta ng Mr. DJ. May gagawing pelikula kungsaan gagampanan ni Shera (tama ba ang spelling Leo B?) ang role bilang young Sharon Cuneta. “In 2023, my goal isn’t to be skinny anymore but to be healthy and confident. I’m still in the process of loving myself, but I can say that this journey wouldn’t be hard because I’m surrounded by inspiring people,” confident na pahayag ng Star Music artist.

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX