SINGLE NI DINDO CARAIG NA "IKAW AT AKO" MAY POTENTIAL NA MAG-HIT
VERY successful ang contract signing between singer Dindo Caraig and his manager Tita Merly Peregrino with the ace composer na si Sir Michael de Lara, ang composer ng first single ni Dindo entitled "Ikaw at Ako" na ginanap noong isang araw sa Gerry's Grill na matatagpuan sa harap mismo ng ABS-CBN. Bago ang presscon at habang nagsidatingan ang mga imbitado lalo na ang mga press people ay halatang di mapakali si Dindo. Alam kung kinabahan siya dahil first time niyang maupo sa presidential table at siya talaga ang sentro ng tanungan later. In fairness kay Dindo, nasagot naman niya perfectly ang mga tanong ng press . Abot-abot ang pasasalamat ni Dindo sa kanyang manager na si Tita Merly Peregrino, ang founder ng Team Abot Kamay Foundation dahil ito ang tumupad ng kanyang pangarap noong kahit noong bata pa siya. "Gusto ko talagang maging singer noon kaya lang habang lumalaki ako ay parang lumalayo din ang tsansa na maging singer ako dahil nasadlak ako