SINGLE NI DINDO CARAIG NA "IKAW AT AKO" MAY POTENTIAL NA MAG-HIT

VERY successful ang contract signing between singer Dindo Caraig and his manager Tita Merly Peregrino with the ace composer na si Sir Michael de Lara, ang composer ng first single ni Dindo entitled "Ikaw at Ako" na ginanap noong isang araw sa Gerry's Grill na matatagpuan sa harap mismo  ng ABS-CBN. 
Bago ang presscon at habang nagsidatingan ang mga imbitado lalo na ang mga press people ay halatang di mapakali si Dindo. Alam kung kinabahan siya dahil first time niyang maupo sa presidential table at siya talaga ang sentro ng tanungan later.       In fairness kay Dindo, nasagot naman niya perfectly ang mga tanong ng press . 
Abot-abot ang pasasalamat ni Dindo sa kanyang manager na si Tita Merly Peregrino, ang founder ng Team Abot Kamay Foundation dahil ito ang tumupad ng kanyang pangarap noong kahit noong bata pa siya.  
"Gusto ko talagang maging singer noon kaya lang habang lumalaki ako ay parang lumalayo din ang tsansa na maging singer ako dahil nasadlak ako sa iba't-ibang uri ng trabaho. Nagpakatulong ako, nag-alaga ako ng bata, nagtrabaho ako sa spa  at maging sa saloon," pagpapakatotoo ni Dindo.       "Nakalimutan ko na talaga ang pagkanta lalo na nung mag-umpisa na akong mag-taping-taping  sa  telebisyon," sabi nito.        Yes, madalas na kinukuha si Dindo sa mga programa na kailangan ng "reenactment" . at iba pang roles.         Ulila na si Dindo kaya itinuturing na siyang tunay na anak ni Tita Merly. 
       Samantala, may fan base na si Dindo at marami siyang fans sa Tiktol kungsaan milyun-milyon ang kanyang mga views sa kanyang account na Scripted King. Nadagdagan ang kanyang mga tagahanga nang maging ganap na vlogger siya lalo na nang mapunta siya sa Team Abot Kamay .  
Excited na ang mga tagahanga ni Dindo sa kanyang awitin. 'Yung ibang  nakapakinig na, lahat sila ay nagsasabi na lakas maka-LSS (Last Song Syndrome) ang kanta  ni Dindo na pinamagatang "Ikaw at Ako".        Hindi rin kasi basta-basta ang composer ni Dindo , ang kilalang Michael de Lara lang naman at isa sa gustong-gusto kong  nilikha ni Sir Michael ay ang "Ikaw Lang Ang Iibigin" popularized by Josh Garcia.  
Maging ang mga press people na kinabibilangan nina John Fontanilla, Rommel Placente, Mildred Bacud , Maricris Nicasio at ang inyong lingkod ay nagkakaisa sa pagsasabing may potential na mag-hit ang kanyang first single.       Next week ay naka-schedule ang launching ng "Ikaw at Ako" ni Dindo Caraig at saka isusunod na ang mga guestings nito sa mga radio stations at tv shows.        Nakaplano na rin ang mini concert ni Dindo , may venue na pero secret lang muna for now.      Sa nasabing okasyon ay ipinakilala rin ni Tita Merly ang kanyang susunod na ipapa-presscon, ang TAK kids na kinabibilangan ng magkapatid na Miguelito, Mathew at Peter kasama rin ang nagbabalik niyang anak-anakan na si Ryan Arizala na isang indie actor.  
Kanina  (Huwewbes) ay nakasama ako sa meeting with Tita Merly, Dindo, ilang press at ang entourage ni Sir Michael de Lara . Hindi lang tungkol sa mini concert at kung papaano ima-market ang song ni Dindo ang aming pinag-usapan kundi pati na rin ang kanyang gagawing MTV sa nasabing kanta na gagawin sa isang magandang lugar na di kalayuan sa Metro Manila.       From the bottom of my heart, congratulations Dindo at nagbunga na ang iyong pagpupunyagi. 
>Sa mga fans ni Dindo, abangan siya ngayong Sabado at doon niya kakantahin for the very first time in public ang kayang awitin, sa programang Sikat Noon, Sikat Ngayon sa Eurotv hosted by Lito de Guzman, Irene Solevilla , Krista Miller at ang inyong lingkod - TIMMY BASIL /BLOG BUDDIES           

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX