LAUNCHING MOVIE NI JULIA VICTORIA NA "KABAYO" MAPAPANOOD NA SA MAY 25 SA VIVA MAX

NAGBUNGA na ang effort ng magandang sexy star ng Viva Max na si Jula Victoria (Julia Bersana in real life) dahil sa darating na May 25 ay ipapalabas na ang kanyang launching movie, ang "Kabayo" sa Vivamax na sinyut ang kabuuang pelikula sa Samar kasama ang ilang baguhang sexy stars, sina Angelo Ilagan, Rico Barrera at marami pang iba.
Ilang beses ko nang nakita in person si Julia at bawat pagkikita namin, feeling ko paganda siya nang paganda. Una ay nung mag-guest siya sa programa namin ni Lito de Guzman , Irene Solevilla at Krista Miller sa Eurotv, ang "Sikat Noon, Sikat Ngayon" aired live every Saturday, 4:00 pm at pangalawa ay sa press conference ng Kabayo na sa tingin ko ay lalo siyang nag glow up . Si Julia yung tipo ng artista na nag-e-enjoy lang sa trabahong kanyang pinasok. Hindi siya yung nangunuglit sa kanyang manager at gustong hanapan siya nang hananapan ng trabaho.
Palibhasa may kaya ang pamilya ni Julia kaya kung may work ay iga-grab niya, kung wala naman ay nagliliwaliw siya at mahilig siyang mag-travel. At sa mga lugar na kanyang pinupuntahan gaya ng Cebu at Boracay ay talagang nagpapasabog siya ng kanyang kaseksihan. Lately ay sa Boracay at every moment ay ini-enjoy niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Noong nakaraang Sinulog naman sa Cebu ay isa rin si Julia sa mga celebrity na pumarada sakay ng isang magarang float kasama ang kanyang manager na si Lito de Guzman at co artist na si Krista Miller.
Maganda ang tambalan nina Lito de Guzman at Julia bilang manager/talent. Walang pressure. Sabi ni Lito , magaan na talent si Julia at kahit saan man sila pumunta, talagang hindi hinihindian si Julia ng mga producer, palibhasa artistahin naman talaga ito at napaka-flawless. Balit tayo sa Kabayo. Kaninang tanghali ay nag-live sina Julia at Lito de Guzman . Makikita rin sa background si Rico Barrerra na mini-make-up-an . May promo sila sa kanilang pelikulang "Kabayo".
Natanong ko tuloy kung sino sa mga male cast ng kabayo ang talagang mala kabayo ang kargada? May binanggit siyang name pero hindi ko masyadong narinig, kaya nag-chat ako ng "sino"? at yun, malinaw na binanggit niya ang pangalan ni Rico Barrerra na oozing with sex appeal ngayon at bagay na bagay sa kanya ang kanyang mga bigote.
So, papaano kaya nalaman ni Julia na mala-Kabayo ang kargada ni Rico? Hmmm... baka may eksena sila kungsaan pareho silang naked. Samantala, naririto pa ang ilang pelikula na pinlabas at mga aabangan sa Viva Max kabilang ang 2 lumang pelikula starring Ynez Veneracion at Samantha Lopez na may pamagat na Pagnanasa at ang Nene ni Daniela at ang Fallguy ni Sean de Guzman at ang Afam ni Nicco Locco, Rob Guinto at iba pa .
Abangan nyo guys ang maiinit na eksena sa Kabayo . Masisiyahan kayo, hahahahaha! - TIMMY BASIL/BLOG BUDDIES

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX