ANG AKING MGA ANAK palabas na

Ang Aking Mga Anak Direksyon: Direk Jun Miguel Produksyon: Dreamgo Productions Distribusyon: Viva Films
Ang Ang Aking Mga Anak ay isang pelikulang nagulat ako sa epekto. Akala ko noong una ay pangbata lang—simple, magaan, at pampamilya. Pero habang pinapanood ko, unti-unti kong naramdaman na mas malaki at mas malalim ang gustong iparating ng pelikula. Ipinakita nito ang totoong buhay—ang hirap ng magulang sa pagtustos sa pamilya, ang mga sakripisyong ginagawa para sa kinabukasan ng mga anak, at ang mga pagsubok na hindi lang nakakaapekto sa isa kundi sa buong pamilya, kaibigan, at komunidad. Ramdam na ramdam ko ang bawat eksena—mula sa mga tawa hanggang sa mga luha.
Ngunit higit sa lahat, dala ng pelikula ang malinaw na mensahe ng pag-ibig, pag-asa, pagkakaibigan, at pananampalataya. Kahit gaano kabigat ang problema, ipinapakita nitong may milagro at may dahilan para magpatuloy, dahil hindi tayo pinapabayaan ng Diyos Ama. Ang pamagat mismo—Ang Aking Mga Anak—ay napakalalim ng simbolismo. Para bang sinasabi ng pelikula na tayong lahat ay mga anak Niya, mahal at iniingatan. Bilib ako kay Direk Jun Miguel dahil ramdam mo ang puso sa bawat eksena. Walang sobra, walang kulang—tama ang pacing, malinaw ang mensahe, at malakas ang impact. Ang Dreamgo Productions at Sir JS Jimenez naman ay dapat purihin dahil sa tapang nilang mag-produce ng ganitong klase ng pelikula sa panahon ngayon na bihira na ang makabuluhang kwento. Hindi madali gumawa ng pelikulang may bigat at aral, ngunit naiparating nila nang buo at malinaw.
Paglabas ko ng sinehan, pakiramdam ko ay hindi lang ako nanood ng pelikula—parang may natanggap akong paalala at inspirasyon para sa buhay. Isang napakagandang pelikula na puno ng puso at pag-asa. Hindi lang para sa mga bata, kundi para sa lahat ng Pilipino. Isang pelikulang dapat ipagmalaki. - TIMMY BASIL/BLOG BUDDIES/PR

Comments

Popular posts from this blog

AKTOR NA SI POPPO LONTOC, NASABAK SA MATINDING AKSIYON SA "BEYOND THE CALL OF DUTY"

"FEEL GOOD PILIPINAS" DANCE CHALLENGE FEAT. KZ AND BGYO

NICK VERA PEREZ UNLEASHES TWO MORE ALBUMS