BUHAYIN NATIN ULI ANG DYARYO - JHEN BOLES
NAKAKATUWA naman itong celebrity/businesswoman na si Jhen Boles dahil kahit ang negosyo niya ay nabubuhay thru online (selling high end bags etc) ay naniniwala pa rin siya sa impact ng DYARYO,
" Bubuhayin natin uli ang dyaryo," nasabi ni Madam Jhen sa kanyang live noong isang gabi sa Tres Chic Luxury Original Page kasama ang mga bigating sellers niya, ang aktor na si Rainier Castillo, ang bestfriend ni Madam Jhen na si Toni Co na nasa showbiz din at ang member ng Magic Voyz na si and Asher Diaz na cute na cute.
Sa palagay ni Jhen, puwede pang manumbalik ang tiwala ng masa sa newspaper lalo na't talamak ang fake news ngayon sa social media na kapag may gusto silang durugin na tao ay madudurog talagasamantalang sa DYARYO, chill kalang na nagbabasa habang kumukuyakoy, good for the brain pa ito at iwas alzhiemer lalo na sa mga may edad na bukod siyempre sa na inform, na educate at na entertain ka na sa iyong pagbabasa.
Bilang patunay na may pagpapahalaga si Maam Jhen sa newspaper ay kini clipping ng kanyang staff na sina Reshia, Guada at si Ganda [nakalimutan ki name niya, basta maganda siya) sa tuwing may wtiteup si Jhen sa newspaper o sa magazine.
Siguro somebody from the industry ang mag initiate na hey, may silbi pa ang print media sa lipunan, let's revive it kesa tululuyan itong mag vanish.
Maganda ang advocacy ni Miss Jhen. Sa totoo lang, ang mga nagpapatawag ng presscon sa showbiz, nangunguna pa rin naman sa kanilang iniimbitahan ay ang mga taga press media lalo na ang mga editors. But of course, di rin mawawala sa bawat presscon mapa showbiz man , politics, business etc. ang presence ng vloggers.
Alin, kapag lahat ng mga nagbabasa noon ng dyaryo ay balik sa dating gawi, tiyak na magiging visible ulit ang mga newstands and magazine stands sa mga kanto.
Yan ang wini wish ni Madam Jhen.
Ngayon kasi, sa 711 stores na lang tayo nakakakita ng newspaper na ibenebenta , maging sa Quiapo at kahabaan ng Recto, wala na akong nakikitang may nagbebenta. Oo, sinuyod ko yan noong isang araw, ang ending ...diretso ako sa office ng pinagsusulatan ko at doon ako tiyak na makakakuha ng kopya
Sana mayroon pang kagaya ni Madam Jhen Boles na ang advocacy ay muling maibalik ang dyaryo at mga magazines sa mga bangkita para tuluyang ma save ang printt media industry.
Congratulations nga Pala Kay Miss Jhen dahil noong Isang Gabi ay ginawaran na Naman Siya ng panibagong pagkilala mula sa Southeast Asian Achievement Award na ginanap sa Grand Opera Hotel . Kasama run ginawaran ang ksnyang favorite sellers na sina Toni Co, and Asher Diaz.
For PR/writeups, please email at timmybasil2k17@gmail.com
Mabuhay ka Miss Jhen
ReplyDelete