CEBUANA TWINS VIVA ARTIST NA
By Timmy Basil
PUMIRMA kamakailan ng exclusive contract ang Cebuana Twins na sina Sheena at Shiela bilang pinakabagong artists ng Viva Artist Agency owned by Boss Vic del Roario.
Mga wholesome po ang twins kaya sa mga nagtatanong na gagawa ba sila ng films for Vivamax release ay malayo po.
"Sing and dance sila at marami na silang shows sa Cebu at maging sa ibang bansa particularly sa Singapore at Dubai, sabi ng kanilang magandang ina na si Aida Patana na isang businesswoman at may ari ng M Talents kungsaan nagse-celebrate ito ngayon ng 15 years anniversary.
Sa kasakukuyan ay may mga twins na sumisikat ngayon sa showbiz, ang Muhlach Twins at ang Legaspi Twins in fact ng tanungin ang kambal kung sino ang gusto nilang makasama sa isang movie, isa sa kambal ang sumagot ng "Andres Muhlach".
Si Lito de Guzman ang manager ng kambal at makakasama sila sa 1st Year Anniversary concert ng Magic Voyz sa March 30 sa Viva Cafe.
Super hectic na rin ang schedule ng Cebuana Twins at kahapon ay nag perform din sila sa Contract Singning/presscon ni Fyang Smith forK&L, isang phone store based in Cebu and Bohol.
Congratulations Cebuana twins, with your talents, you will certainly make it in show business - Timmy Basil/Blog Buddies
Comments
Post a Comment