LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

BY TIMMY BASIL
FINALLY , nailunsad na ang grupong Magic Voyz na kinabibilangan ng pitong nagagwapohan at nagma-machohang mga nilalang na may kanya-kanya nang napatunayan sa showbiz bago sila nabuo bilang grupo Saksi ang inyong lingkod kung paano nabuo ang grupo. Unang meeting pa lang na ginanap sa Victoria Tower sa may Sct. Borromeo ay nandoon na ako. Parang audition na rin iyon. Pinakinggan namin ang boses nina Jhon Mark Marcia na marahil ay kilala nyo na dahil sa dami na rin ng kanyang exposure sa showbiz maging sa Eat Bulaga bilang miyembro ng Macho Men. Bukod dyan ay naging representative na rin si Jhon ng Pilipinas sa isang international pageant at kilalang modelo.
Naroon din si Jace Ramos na ang dating screen name ay Owen. Yes, (dati) kasi matagal na rin siya sa entertainment at nakailang beses na rin siyang naging miyembro sing and dance group.
Same thing with Ian Briones, kasa-kasama ito ni Jace sa dance group, isa rin siyang brand ambassador. First time kong na-meet that time ang six footer na si Raven Obado from Tuburan , Cebu at sa casual na usapan namin , ay nasabi niya na pinsan niya ang Cebuana singer na si Morisette Amon at tumira pa siya sa bahay nina Morisette Amon sa Cebu noon. Isa siyang basketball player and model sa Cebu. So far, silang apat palang at kailangan pang humanap ng kanilang manager na si Lito de Guzman ng 3 para mabuo ang grupo. Hanggang sa pumasok na sina Mhack Morales na kung familiar sa inyong ang pangalan ay dahil sa nagbida na ito sa ilang Vivamax movies. Dating teacher si Mhack pero mas malakas ang kaway ng showbiz sa kanya kesa magturo .
Nadagdag din ang look-alike ni Superman na si Juan Calma na aminado na noong una ay puro kaliwa at mga paa at di makakasabay sa steps na itinuturo sa kanila ng kanilang choreographer na si Mamitois na in house choreographer ng Viva. So , anim pa rin sila . May nakuha silang isa pa pero parang di yata nakayanan kaya kulang pa rin ng isa . Hanggang sa isang araw, isinama ni Lito de Guzman sa opisina ng Viva ang composer ng mga kanta ng Magic Voys na si Johan Shayne.
Bagets pa si Johan kaya fresh na fresh pa ang kanyang mga ideas pagdating sa pag-compose ng kanta. Noong makita ito ni Boss Vic, bigla na lang sinabi nito na "oh , isama nyo na ito sa grupo para di na kayo maghanap pa ng panibagong composer," na ikinatuwa naman ni Johan. Alangan kung pagbabasehan sa height kasi 2 ang six footer sa grupo pero gustong ipakita ng kanilang manager na height doesn't matter kung talagang may talent ang isang tao. Nanggaling sa underground music si Johan kaya sa mga nakanood sa kanilang launch sa Viva Cafe, talagang napansin si Johan na binabanatan ang mga awitin ni Bruno Mars. Actually, early this year lang naman nag-umpisang mag sanay ang grupo unlike sa ibang grupo na taon ang ginugugol. Noong una ay sa 702 Studio sa Delsa Mansion sila nagpa-practice hanggang sa mapunta sila sa Viva ay sa Viva Studio sa Sct. Madrinian sila nag-i-ensayo. Ang kilalang si Jo Ramos naman ang kanilang Voice Coach. Basta ensayo nang ensayo lang sila hanggang sa nagkaroon na sila ng unang kanta, ang "Wag Mo Akong Titigan" at aprubado kaagad ng mga bossing ng Viva Records. Ginawan na rin kaagad ito ng MTV at mapapanood na ito sa Youtube at sa official FB page ng MAGIC VOYZ. Lumabas na rin ang Magic Voyz sa pelikulang "Sisid Marino" under LDG Films na ipinalabas sa Vivamax at nag-number 1 ito. Pero alam nyo ba na kahit hindi pa nai-launch ang grupo ay mga naging provincial shows na sila ? Nag-perform na sila sa Cebu at ilang araw pa lang ang nakakaraan ay sa Ipil, Zamboanga Sibugay kungsaan grabe ang responce ng audience sa kanila . "The best ang mga taga Ipil, the best kayo guys," sambit ni Jhon Mark Marcia sa kanyang FB Account.
Balik tayo sa Launching ng Magic Voyz noong September 10 sa Viva Cafe. In fairness, punumpuno ang venue at napakaraming press people at vloggers ang inimbitahan to cover the event. Isinalang muna ang 2 comedian na sina Caramel at Bekla para di mainip ang audience. Bongga din ang tandem ng dalawa, nakakatuwa. Hanggang sa tinawag na ng host ang mga Vivamax artists na sumuporta/front acts sa gabing iyon like Marianne Saint na kumanta ng dalawang kanta. In fairness, maganda ang boses ni Marianne Saint na mapapanood soon sa Vivamax sa pelikulang Tatsulok with Jhon Marcia and Skye Gonzaga.
Sinundan ito ni Robb Guinto with Justine Joyce na parehong milyun-milyon ang mga followers at kiniliti nila ang audience. Well-applauded din ang number ni Ayah Alfonso na may pagapang-gapang pa with matching back-up dancers. And of course, ang Hot Mama ng Vivamax na si Yda Manzano na bidang-bida ngayon sa pelikulang Obsesyon ay hindi nagpahuli. Aminado si Yda na huli siyang sumalang sa stage para mag-perform ay noong late 90's, tagal na di ba ? Pero hindi nangalawang si Yda at bongga pa rin ang performance lalo na nung kantahin niya ang Mi Chico Latino ng Spice Girls. Isa na ring pintor si Yda ngayon at marami ng mga taga alta sociedad na bumibili ng kanyang painting.
Of course , hindi nagpahuli si Krista Miller at super perform din siya. Mabentang-mabenta si Krista Miller sa mga provincial shows ngayon. Ipinanood muna ang napakagandang MTV ng first single ng grupo na "Wag Mo Akong Titigan" at pagkatapos nun ang Magic Voyz na ang nag-domina ng stage . Versatile ang grupo, nakakasayaw sila ng mga makabagong sayaw, binanatan nila ang awitin ng April Boys, ang Honey My Love so Sweet, kumanta ng solo si Mhack Morales ng isang awitin ni Sam Concepcion, si Raven Obado naman ay kumanta ng isang Tagalog song na di ko alam ang title (as always, hahahahha), pero ang nagmarka sa audience ay ang duet nina Johan at Jace, ang "Maybe This Time" , Sarah Geronimo version pa talaga at nakuha naman nila ito ng walang kahirap-hirap lalo dun sa bandang mataas kungsaan super viral ngayon sa FB at Tiktok. Ipinarinig din nila ang kanilang second song , ang Bintana" na composed ni Johan,. Ilan sa mga nakita kong nanood ay ang mga alaga ni Maam Len Carillo na si Calvin , Itan Rosales, si Marco Gomez ng VMX V at marami pang iba.
Congratulations Magic Voyz and congratulations din kay Lito de Guzman na sumumpa noon na ayaw na niyang magtayo ng grupo (siya ang manager ng Baywalk Bodies, Milkmen Men, Baywalk Machos Wonder Gays , Batchmates at Hotgirls) pero heto pa rin siya at nakatuon ang kanyang atensiyon sa Magic Voyz. "Mababait kasi sila Timmy, kahit yung iba bida na sa pelikula gaya nina Juan Calma Mhack Morales at Jhon Mark Marcia pero kapag nagsasama-sama sila ay wala silang ka-ere-ere, pantay-pantay sila, yun talaga ang hinahanap ko sa grupo," sabi nito Congrats din sa LDG CEO and staff na si Maam Daniela Carolino, si Sir Eric, si Juniora at si Gil Villanueva. Official photographer, Frederick Ison. Thanks din sa pag-invite sa akin, Roldan Castro /TIMMY BASIL /BLOG BUDDIES

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX