PASKONG BG 2023

ISA sa local production outfit , ang BG Production na kahit na may pandemic noon at kahit na hindi gaanong active sa ngayon ang kumpaya pero tuwing Pasko ay hindi ito nakakalimot sa press na tumutulong upang mabigyan ng publicity sa kanilang mga panulat at vlogs ang mga pelikula na pino-produce ni Maam Baby Go , producer ng BG Production.
Noong December 29, bagama't tapos na ang Pasko ay ginanap ang post Christmas Party sa isang Chinese Restaurant sa Shaw Boulevard, Mandaluyong . Bukod sa masasarap na pagkain , bumaha rin ang pa-raffle kungsaan kasama ang press at mga bisita raffle. Ang ganda pa rin ni Maam Baby Go. Hindi siya tumatanda, feeling ko pa nga mas bumabata siya ngayon.
Nangangako ito na ngayong 2024 ay magiging active ang kanyang movie productions, at ibabalik din niya ang kanyang BG Magazines. Ilan sa mga celebrity na unang dumating ay si Imelda Papin kasama ang kanyang ate na si Gloria Belen. Nag-promote si Ate Mel ng kanyang movie na "Loyalista" at nagpamahagi pa ng kanyang Queen Mel coffee na pagkasarap-sarap.
Nagpaunlak ng awitin ang iba pang celebrity guests at singers gaya ng bagets singer na si Bamboo B , si Atty. Topacio na kumanta ng isang awiting Pamasko at nangangakong mayroon din siyang post Christmas party for the press pero magaganap ito sa February after ng shooting nila sa Prague.
Humabol naman sa nasabing okasyon si Angelica Jones kasama ang binatilyong anak at si Aileen Papin. Walang umuwing luhaan . Bukod sa halos lahat nabunot sa raffle, may ham at pa ampao pa si Maam Baby Go sa lahat ng press na dumating. Maraming salamat kay Anne Venancio at Eric Borromeo for inviting me. - TIMMY BASIL/BLOG BUDDIES

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX