SANDRA AMOR UMAANI NG TAGUMPAY SA US

ISANG suntok sa buwan or shall we say malaking pakikipag-sapalaran ang naging desisyun ng singer/performer na si Sandra Amor (na nakilala ring Luxx Laurel na miyembro noon ng all female group na Baywalk Bodies, ang kakumpetensiya ng Viva Hotbabe) nang lisanin niya ang Pilipinas upang hanapin ang kanyang kapalaran sa America pagkatapos mabuwag ang grupong Baywalk Bodies.
Mahirap dahil may kasamang maliit na anak noon si Sandra, si Santino na ilang taon pa lang noon. Hindi naging madali ang buhay ni Sandra noon sa America. Kung anu-anong trabaho ang kanyang pinasukan para lang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak . Hanggang sa napag-isip-isip ni Sandra na balikan ang kanyang unang hilig, ang pagkanta at pag-perform. Doon siya hinangaan. Doon siya magaling in fact, noong kasagsagan pa ng kasikatan ng Baywalk Bodies ,kaliwa't-kanan ang kanilang mga shows. Isa sa mga frontrunners si Sandra at gustong-gusto ko kapag kinakanta at pini-perform na niya ang Objection Tango ni Shakira na hanggang ngayon, isa pa rin sa kanyang mga piyesa sa Amerika at talagang marami ang napapanganga kapag humataw na si Sandra.
Sinasabi ko na umaani ng tagumpay ngayon si Sandra sa America dahil bukod sa tanggap na tanggap na siya ngayon bilang international performer, nakakatanggap na rin siya ngayon ng mga awards. Ang pinaka-recent ay ng dalawang karangalan na kanyang natanggap mula sa AmerAsia International Awards kungsaan tumanggap siya ng tropeyo bilang Female Best Pop Vocal Performer at ang major major na ibinigay sa kanyan ay ang tanghalin siyang Ms. AmerAsia International 2023. Congratulations sa iyo Sandra. You deserved it. Siyempre, ang lahat ng pagpupunyagi at pagsisikap ni Sandra ay para sa kanyang pamilya. Proud na proud na ibinahagi ni Sandra sa kanyang FB post ang kanyang 16 years old na binatilyo na si Santino na isa nang basketball player at sa galing nito ay baka mapunta ito sa NBA. At 16, six footer na si Santino.
Nasubaybayan ko ang pangyayari nang nasa sinapupunan pa lang ni Sandra si Santino (na minabuti kong hindi na lang idetalye) at masasabi kong isa itong miracle baby .
Hindi lang naman ngayon lang nagbigyan ng international recornition itong si Sandra in fact , ast year ay ginawaran din siya ng Gawad Amerika bilang Most Outstanding Performer /Entertainer/Singer of the Year. Sa mga millenials ngayon, alam nyo ba na si Sandra ang unang-unang leading lady ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao? Yes, at ito'y sa pelikulang "Basagan ng Mukha". At ito pa, siya rin ang first kiss ni Manny on screen, di ba bongga?
Legit na legit na performer na talaga itong si Sandra US in fact, kungsaan-saang bahagi na ng US siya nakapag-perform at kamakailan lang ay nakasama pa niya si Carina Afable at Bryan Termulo at iba pa na mag-perform sa Celebrity Center Pavilion sa Hollywood .
By the way, bago tumanggap ng 2 awards ni Sandra mula sa AmerAsia International Awards ay nakapag-bakasyon pa si Sandra sa Pilipinas particularly sa kanyang bayang sinilangan - sa Iloilo kungsaan sa isa sa kanyang post ay makikita ang kanyang kaseksihan at ka-flawlessan sakay ng isang bangka - TIMMY BASIL/BLOG BUDDIES

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX