MYSTICA NANANATILING MATATAG SA KABILA NG SUNUD-SUNOD NA PAGPANAW NG KANYANG APO AT ANAK
DOBLENG sakit para sa isang ina na hindi man lang nakita sa huling sandali ang 2 mahal niya sa buhay na luminsan na sa mundo.Ang una ay ang apo niya kay Stanley at Jodi na si Gangrel na nalunod sa dagat sa Pangasinan late last year.
Masakit dahil pangalawang apo niya si Gangrel kay Stanley (ang panganay ay si Iceley na anak ni Stanley sa una niyang ka live in ). Napakabata pa ni Gangrel at trahedyang iyon ang nagpaguho ng mga pangarap ni Mysitca para sa kanyang apo.
Hindi siya nakauwi dahil kase-settle pa lang ni Mystica sa U.S noon at marami pa siyang nilalakad na papeles .
Ang sumunod na dagok sa buhay ni Mystica ay nang pumanaw ang kanyang unico hijo na si Stanley noon lang isang buwan.
Napakasakit kay Mystica ang pagyao ni Stanley dahil kasa-kasama niya ito sa mga shows niya noong kasagsagan ng kanyang karera rito sa Pilipinas bilang rock diva at split queen. Miyembro si Stanley sa back-up dancers ni Mystica na "They Mystic Dancer." Si Stanley ang pinakabata at siya rin ang pinaka pogi.
Again, hindi rin nakauwi si Mystica dahil may mga naka-schedule siya mga shows at the same time, inaayos din niya ang kanyang green card.
Sa mga ibinahaging videos and photos ni Mystica sa kanyang social media accounts ay talagang emosyunal siya't literal na bumabaha ang kanyang luha sa labis na pananabik na masilayan man lang si Stanley sa kahulihulihang pagkakataon.
Although noon pa iniinda ni Stanley ang kanyang sakit sa puso at noon ngang burol ng kanyang anak na si Gangrel ay nainterview pa ng inyong lingkod si Stanley at tandang-tanda ko pa ang kanyang sinabi noon sa akin " hindi dapat ang anak ko ang nandyan sa loob ng ataul, ako dapat." May prominition na.
Kamakailan ay nag-40 days si Stanley at sinisuguro ni Mystica na kahit wala man siya updated siya sa mga nagaganap. Sinigurado ni Mystica na maging memorable ang 40 days ni Stanley at nagpahanda siya ng mga makakain sa bahay maging sa sementeryo kungsaan halos magkatabi lang ang mag-ama ng nitso.
Makikitang hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin si Jody, ang maybahay ni Stanley kasama ang kanilang bunso na nakalimutan ko ang name.
Proud na proud naman si Msytica sa manugang dahil kahit sunud-sunod siyang nawalan ng mahal sa buhay ay nagiging matatag ito't hindi pinanghinaan ng loob.
Samantala, in demand na in demand pa rin si Mystica sa US particularly sa San Diego, Calfifornia at noong isang gabi ay napaka-successful ang kanilang show entitled "D Rock Diva & D' Debonaire with Gene Flores kasama sina Jean Moss and Noralyn Ortega - TIMMY BASIL for BLOG BUDDIES
Comments
Post a Comment