Posts

Showing posts from May, 2023

SINGLE NI DINDO CARAIG NA "IKAW AT AKO" MAY POTENTIAL NA MAG-HIT

Image
VERY successful ang contract signing between singer Dindo Caraig and his manager Tita Merly Peregrino with the ace composer na si Sir Michael de Lara, ang composer ng first single ni Dindo entitled "Ikaw at Ako" na ginanap noong isang araw sa Gerry's Grill na matatagpuan sa harap mismo  ng ABS-CBN.  Bago ang presscon at habang nagsidatingan ang mga imbitado lalo na ang mga press people ay halatang di mapakali si Dindo. Alam kung kinabahan siya dahil first time niyang maupo sa presidential table at siya talaga ang sentro ng tanungan later.       In fairness kay Dindo, nasagot naman niya perfectly ang mga tanong ng press .  Abot-abot ang pasasalamat ni Dindo sa kanyang manager na si Tita Merly Peregrino, ang founder ng Team Abot Kamay Foundation dahil ito ang tumupad ng kanyang pangarap noong kahit noong bata pa siya.   "Gusto ko talagang maging singer noon kaya lang habang lumalaki ako ay parang lumalayo din ang tsansa na maging singer ako dahil nasadlak ako...

LAUNCHING MOVIE NI JULIA VICTORIA NA "KABAYO" MAPAPANOOD NA SA MAY 25 SA VIVA MAX

Image
NAGBUNGA na ang effort ng magandang sexy star ng Viva Max na si Jula Victoria (Julia Bersana in real life) dahil sa darating na May 25 ay ipapalabas na ang kanyang launching movie, ang "Kabayo" sa Vivamax na sinyut ang kabuuang pelikula sa Samar kasama ang ilang baguhang sexy stars, sina Angelo Ilagan, Rico Barrera at marami pang iba. Ilang beses ko nang nakita in person si Julia at bawat pagkikita namin, feeling ko paganda siya nang paganda. Una ay nung mag-guest siya sa programa namin ni Lito de Guzman , Irene Solevilla at Krista Miller sa Eurotv, ang "Sikat Noon, Sikat Ngayon" aired live every Saturday, 4:00 pm at pangalawa ay sa press conference ng Kabayo na sa tingin ko ay lalo siyang nag glow up . Si Julia yung tipo ng artista na nag-e-enjoy lang sa trabahong kanyang pinasok. Hindi siya yung nangunuglit sa kanyang manager at gustong hanapan siya nang hananapan ng trabaho. Palibhasa may kaya ang pamilya ni Julia kaya kung...