LET'S NET TOGETHER SA NET25 /ALAMIN ANG KANILANG BAGONG SHOWS
BY TIMMY BASIL
NOONG isang araw ay ni-launched ang mga bago at de-kalibreng palabas ng NET25 sa pamamagitang ng isang Zoom Conference. Ang mga inimbitahang movie writers nd vloggers ay nasa isang malamig na studio ng naturang network after may negativo sa antigen na isinagawa sa pagpasok pa lang ng network at ang mga artista naman ay isa-isang tinawag sa Zoom.
Bukod sa mga bagong shows ay may mga hosts din na kasama sa zoom na may mga existing shows na sa NET25 at nagse-celebrate ng kanilang anniversary .
"LOVE, BOSLENG & TALI"
PUSPUSAN ang ginagawang effort ng NET25 sa pagbibigay ng de kalibreng mga palabas in connection sa kanilang magandang slogan na LET'S NET TOGETHER SA NET25 at isa na dito ay ang "Love, Bosleng & Tali" na pinagbibidahan ng Sotto family (Vic, Pauleen at ang kanilang anak na si Tali).
Mas magiging masaya ang inyong Linggo dahil sa bawat episode ay pawang good vibes ang ihahatid sa mga manonood ng tatlo.
Iba-ibang istorya ang ating matutunghayan tuwing Linggo, alas sais ng hapon. Tutulungan nila Bosleng & Tali ang isang letter sender kung saan magbibigay sila ng payo sa buhay . Bawart episode ay ipapakita ang mga isyu na malapit sa ating puso: pamilya, buhay pag-ibig, trabaho at pagkakaibigan. Asahan na magiging nakakatawa ang life lessons at siguradong makaka-relate ang bawat Pilipino.
Sa kasalukuyan, sa kanilang tahanan ginaganap pansamantala ang taping para sa pag-iiwas pa rin sa Covid-19 na hindi pa naman talaga lubusang napupuksa hanggang sa ngayon.
Marami ang nakapansin na mukhang bumabata ngayon si Vic at tinatanong ng press kung sino ang stylist nito pero walang kagatol-gatol na inginoso ni Bossing Vic ang kanyang magandang maybahay na si Pauleen.
Balak pa daw nilang sundan si Tali pero mukhang imposible dahil palagi raw itong nasa gitna kapag natutulog sila.
ANONG MERON KAY ABOK
Pinagbibidahan ng komendyanteng si Empoy Marquez bilang "Abok". Leading lady ni Empoy ang magandang si Alexa Miro bilang Juliet na hindi nakaligtas na tanungin tungkol sa real score nila ni Cong. Sandro Marcos pero friends lang daw talaga sila. Sa October 1 na ito mag-uumpisa .
K pop ang looks dito ni Empoy dito dahil sa istorya ay nakapag-abroad siya sa South Korea pero pagbalik niya ay may bago nang boyfriend ang kanyang nobya. Magbabalikan kaya sila or tuluyan na silang maghiwalay at mapunta na sa isang gwapong doctor si Alexa.
Kasama rin dito sina Yukii Takahashi ,Nico Loco,Nico Nicolas, Yow Andrada, Anthony Ocampo at Sofia Isabel na anak ni Chenee de Leon.
Tiyak na hahagalpak kayo ng tawo kay Empoy na natural na naturang kung bumitaw ng mga punch lines.
MOMENTS
Isa sa maituturing na pioneer show sa NET25 ay ang Moments ni Gladys Reyes. Alam nyo bang naka 16 years na ito sa ere?
Very hands on si Gladys Reyes sa kanyang show at madalas ay siya na mismo ang tumawag sa kanyang guests para mag-invite or para mag-follow-up. In short, bukod sa host na siya, talent coordinator din siya.
Sa loob ng 16 years ay napakarami nang celebrities at personalidad ang kanyang na-interview at isa na rito ay si Pres. Bongbong Marcos (although di pa siya presidente noon ).
Abangan ang "Chikat portion" or Chikahan with Sikat, "Moment ko 'To at ang ang "Kusina Moments na tiyak na marami na naman tayong matutunan.
KORINA INTERVIEWS
Sa ginanap na Zoom Conference, aminado ang batikang journalist na si Korina Sanchez na may malalaking tv network ang nag-o-offer sa kanyang serbisyo pero ang pinakamabilis daw ay ang ang NET25 kaya agad-agad ay ipinanganak ang Korina Interviews na ayon mismo kay Korina, natutuwa siya dahil ito talaga ang pangarap niya noon pa man, ang mahaba-habang interview sa kanyang guest.
Nakapag-impok na si Korina ng ilang episodes gaya nina Sen. Loren Legarda, Dr. Vicki Belo at Raymond Bagatsing na for the first time ay inamin niya in national tv na nabihag ang kanyang puso sa isang taga -Dumaguete.
Hmmm.. taga Dumaguete ako, pero wa ko kabalo. Kinsa kaya ang masuwerteng babaye?
Mag-uumpisa ang Korina Interviews sa October 2 (Sabado) 5:00 pm.
OH NO! IT'S B.O.
Sa mga nagtataka kung ano ang B.O sa title ng show ni Joey de Leon sa NET25 na Oh No! It's BO, it stands for Biro Only.
Papasok na ito ng ika 3 Season sa paghahatid ng mga nakakatawang pranks . Malaki ang tiwala ni Joey sa mga kasamahan niyang nasa field para maghagilap ng ipa-prank .
Sa Season 3, makakasama niya bilang pranksters ang mga sikat na hinahangaan nating Tiktokers na sina Niko Badayos, E. L. Mendoza at KUMU Livestreamer na si Jai Gonzales.
Ang Oh No! It's BO ay lilibot sa mga probinsiya para maghanap ng target na mapa-prank kaya talasan ang inyong mga mata.
ANO SA PALAGAY N'YO (Year 2)
IPINAGMAMALAKI ng NET25 ang layunin nitong gumawa ng mga programang magbibigay sa mga Pilipino ng impormasyon at serbisyo publiko. Sa loob ng isang taon, ang teleradyo program nito na "Ano Sa Palagay N'yo (ASPN) nina Ali Sotto at Pat-P Daza na patuloy na nagbibigay ng katotohanan sa likod ng mga balita
Malakas ang chemistry ng dalawa. Mahahalata na matatlino sila pero minsan ay nakikita rin ang kanilang pagiging kalog.
Since morning show ito, dito kumukuha ng mga fresh news ang mga televiewers at ngayong sinasalanta tayo ng bagyong Karding, naririyan ang dalawa para magiging updated tayo sa epekto ng bagyong Karding.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Boiyernes, alas otso ng umaga .
TARA GAME, AGAD-AGAD LEVEL UP!
Kung kayo naman ay mahilig sa game show at umaasang makasali at manalo ng limpak-limpak na salapi, naku ang game show na Tara Game, Agad-agad Level Up! ay para sa inyo. Aba tama ba, puwede kang manalo kahit hindi tama ang sagot mo?
May dalawang co-host si Aga dito, ang Tiktoker na si Yukii Takahasi at ang Brazilian actress na si Diana Menezes .
Agad-agad ang kasiyahan , agad-agad ang pa-premyo. Simula October 17, mapapanood ang mga bagong episode tuwing Linggo, alas siyete ng gabi.
OPEN FOR BUSINESS
Open for Business (OFB) is the only business and tourism show sa NET25. It provides inspiration to entrepreneurs with insightful ideas, analysis and lessons from thought leaders, CEOs and industry experts from, various industries. With its focus on innovation and latest trends, OFB expands its topics not only in the area of business but also tackles entertainment and tourism both in the local and international fronts. It is anchored by Caesar Vallejos, Executive Producer and Director of Sales and Marketing of NET25.
It airs every Sunday, 9 pm.
Comments
Post a Comment