A tribute to all Mothers and a tribute to humanity (DAWN CHANG to star as Madam Inutz in MMK Mothers Day Special)
In her first lead TV role, Dawn Chang brings to life the colorful personality and unfiltered humor of Daisy Lopez, or as many know her, the viral online seller, Madam Inutz. Together with Susan Africa, Gino Roque, and Pamu Pamorada, MMK is set to premiere a two-part Mother’s Day series this May 7 (Saturday) and May 14 (Saturday).
At first Madam Inutz couldn’t believe that people are actually interested to know about her life story. She shared, “Ayoko talaga i-share kasi siyempre ‘yun yung mga panahon na gusto kong kalimutan, yung hirap. Pero at the same time, naisip ko bakit hindi. Gusto ko magbigay ng inspirasyon sa mga tao.”
Dawn, who was tasked not only to portray the hilarious antics and loud personality of Madam Inutz but also to bring to life the real Daisy Lopez, a hardworking yet fierce mother to her 3 children and a caring daughter to her sick mother, shared “I’m here to give a wonderful show. I don’t want to simply look like Madam Inutz, I want to be her. Not just the physical aspect, but who she is to her core.”
Grateful for the opportunity, Dawn shared how she actually manifested and prayed to play a challenging role like this one. “I had to use all the pain I experienced in the past to bring out such bravery for this character, the real Madam Inutz,” Dawn explained her preparations for the role, including practicing cursing a lot which comes naturally to Madam Inutz.
Before Daisy Lopez became “Madam Inutz,” she grew up in a family with nine siblings, under the care of her sick mother, played by Susan Africa. Driven by love for her family, she tried different jobs here and abroad, ventured into online live selling and eventually gained fame as viewers were entertained by her unique drunk-style interactions. It even changed her life as it landed her a spot on the reality show Pinoy Big Brother as “Ang Mama-Bentang Live Seller Ng Cavite.”
Director Raz Dela Torre believes Madam Inutz’s story is not just a Mother's Day tribute but a tribute to humanity. “This will teach the viewers to get to know deeper the people they meet around and to not jump to conclusions, because all of us are going through different things,” he said.
Catch this special Mother’s Day series of MMK on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube, ABS-CBN Entertainment Facebook page, and iWantTFC. Outside the Philippines, it is available on cable and IPTV via The Filipino Channel.
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, Tiktok, and Instagram, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.
Ang viral live seller sa likod ng kamera
DAWN CHANG GAGAMPANAN ANG BUHAY NI MADAM INUTZ SA MMK
Para sa kanyang first ever TV debut, pagbibidahan ni Dawn Chang ang makulay na buhay ng PBB Kumunity celebrity housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang ang viral live seller na si Madam Inutz. Kasama ang batikang aktres na si Susan Africa, Gino Roque, at Pamu Pamorada, mapapanood ang espesyal na two-part Mother’s Day series sa Mayo 7 (Sabado) at Mayo 14 (Sabado).
Nag-alinlangan pa nung una si Madam Inutz na ibahagi ang kanyang kwento, “Ayoko talaga i-share kasi siyempre ‘yun yung mga panahon na gusto kong kalimutan, yung hirap. Pero at the same time, naisip ko bakit hindi. Gusto ko magbigay ng inspirasyon sa mga tao.”
Si Dawn naman ay naghanda nang mabuti para bigyang buhay ang maingay na personalidad ni Madam Inutz. Inilahad ni Dawn na nag praktis pa siya ng pagmumura na sikat na gawain ni Madam Inutz sa kanyang mga video. “Ayoko lang na maging kamukha ni Madam Inutz, gusto ko na ako mismo ay maging si Madam Inutz, hindi lang sa physical or panlabas but yung buong buo na siya,” aniya.
Emosyonal din ang kanyang preparasyon para sa role dahil sa madaming paghihirap na dinanas ni Madam Inutz bilang anak at ina, “Dito kinailangan kong gamitin ang sakit ng past ko para lumabas yung tapang ko at mailabas ang tunay na Madam Inutz.”
Bago naging “Madam Inutz,” si Daisy Lopez ay laking Tondo Manila. Marami ng trabaho ang kanyang napasukan dito at abroad para makatulong sa kanyang pamilya at maipagamot ang ina na may sakit. Matapos sumubok sa online live selling, sumikat siya dahil sa kwelang pamamaraan ng pagbebenta. Napasali pa siya sa Pinoy Big Brother bilang “Ang Mama-Bentang Live Seller Ng Cavite.”
Hati man ang reaksyon ng netizens sa live selling ni Madam Inutz, hindi siya pinanghinaan ng loob na tumigil at mas lalo pang magpursige para sa kanyang pamilya.
Para kay Direk Raz Dela Torre, ang kwento ni Madam Inutz ay hindi lamang Mother’s Day tribute, “Matututunan ng viewers na tumingin nang mas malalim sa kapwa natin. Kilalanin ang mga tao na nakakausap natin at huwag basta-basta humusga dahil lahat tayo ay may iba't ibang pinag dadaanan.”
Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
Comments
Post a Comment