MS. MELANIE VENERACION MAY PUSO PARA SA MGA TRICYCLE DRIVER
BY TIMMY BASIL
NASAKSIHAN namin nina Direk Benny Andaya at ang kambal na sina Marilou and Merly ang kabutihan ng puso ni Ms. Melanie Veneracion, isang businesswoman , beauty queen, actress at philanthropist.
Noong Linggo ay naabutan namin siya na nagdidiskarga ng sako-sakong bigas sa kanyang magarang pick-up . Ipamimigay nga niya iyon sa mga tricycle driver na ang terminal ay di kalayuan sa kanyang magarang tahanan sa Lipa City.
Si Ms. Melanie mismo ang nag-drive at sinamahan namin siya para mag-distribute ng mga bigas.
Pagdating namin sa terminal ay nakapila na ang ilang tricycle drivers na piniling huwag na munang mamasada dahil alam nilang makakatanggap sila ng ayuda mula kay Miss Melanie.
Sinamahan ni Direk Benny Andaya si Miss Mel kasama ang isang kagawad upang iabot ang mga bigas samantalang ako ang naging instant camera man sa kanila.
Nabigyan lahat ang lahat ang mga naroon at yung mga nasa biyahe pa ay pumunta na lang sa barangay hall sa di kalayuan dahil doon namin binagsak ang ilan pang sako ng bigas. May listahan naman.
May bonus pa ang mga tricycle driver dahil pinakyaw ni Miss Melanie ang panindang pandesal ng isang mobile pugon at ipinamimigay pa rin niya ito sa mga tricle na abot-abot ang kanyang pasasalamat .
Sumama kami pabalik sa magarang tahanan ni Miss Melanie na matatagpuan sa isang golf course at doon, hinandaan kami ni Ms. Mel ng masasarap ng pagkain.
Dumating pa ang Miss Philippines Earth winner na si Janelle Tee at dating co-host sa Wowowin ni Willy Revilla na kaibigan pala ni Ms. Melanie kaya nai-vlog na rin namin ito.
Noon pa man ay alam na namin na talagang nagkakawanggawa na si Ms. Mel at kung minsan ay inililihim niya ito sa media.
Kaya lang sa araw na iyon ay naaktuhan namin siyang nagtsa-charity kaya tumulong na rin kami.
Mabuhay ka Ms. Melanie sa iyang patuloy na pagpapangiti sa ating mga kababayan at sana ay tularan ka ng ibang mayayaman na magbigay ng blessing sa mga mahihirap.
Congrats Ms. Melanie Veneracion
ReplyDelete