DR. MELANIE VENERACION, FROM NEURO SURGEON TO BUSINESSWOMAN TO BEAUTY QUEEN AND NOW.. A PHILANTROPIST



By TIMMY BASIL 



MANY  thanks to Richard Hinola, an event  organizer and PR man dahil nakilala namin through him ang Noble Queen of the Universe  Ltd 2020 title holder na walang iba kundi si Dr. Melanie Veneracion. 
      Supposedly, guest si Doc. Mel sa programa ni Direk Benny Andaya sa Eurotv noong Monday but due to heavy traffic plus hindi pa kabisado ng kanyang driver ang pasikot-sikot sa way to Eurotv ay na-late si Dr. Veneracion but surprisingly, di naman nasayang ang effort ni Doc Mel dahil ininterview naman siya ng news team ng Eurotv with 2 other Queens, sina Jane Jarencio and Mariel Argente. 

<script data-ad-client="ca-pub-7254930474419644" async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>


       I was in the studio so di ko na pinalampas ang pagkakataon na ma-interview si Doc Mel. 
       Isa pala siyang Neuro Surgeon sa US . Siya po yung nag-oopera sa utak at sa ulo .She worked at New York Medical Center for 10 years. Dumating sa point na nangalay at napasma ang kanyang mga kamay  sa kao-opera kaya bumalik sa Pilipinas si Doc Mel  at nagtayo ng mga negosyo. She's married to a Japanese-American na isang Cardiologist.
      Isa siyang importer ng mga semento galing Vietnam. 
      Mayroon din siyang Perfume business kungsaan ini-export niya ang kanyang pabango sa mga Asian countries . 


      Aminado si Doc Mel na noong wala pang pandemic, conta-container na pabango ang kanyang pinapadala sa Asian countries . Bale toll manufacturer siya at bahala nang maglagay ng label ang mga kliyente niya sa ibat-ibang bansa. 
      Sa pagiging importer naman ng semento, may napakalaking imbakan ng semento si Doc Mel sa may Clark at siya ang nagsu-supply ng semento sa mga ginagawang condominiums.
      Hanggang sa dumating ang time na may nag-alok kay Doc Mel na pasukin ang pageant. Noong kabataan ni Mel ay hindi na niya nagawang sumali sa mga malakihang beauty contest dahil inagaw na ng medical studies ang kanyang oras. 
       Ang pagiging Noble Queen of the Universe Ltd 2020 ay may kaakibat na responsibilidad. 
      Maraming institusyon ang tinutulungan ngayon ni Doc Mel at isa na nga rito ay ang Home for the Aged  at mga  bata sa ampunan .
     "Actually before I became a beauty queen, I've done a lot of charities already, kilala ako sa Lipa na tumutulong sa mga tao pero ngayon talaga, mas malawak ," sabi niya. 



      Tinanong ko si Doc Mel kung sakaling nabo-bore na siya sa Pilipinas at mangangalay at mapapasma uli ang kanyang mga kamay dahil sa katsa-charity at pagbibilang ng pera mula sa kanyang mga negosyo  at gusto niyang bumalik sa US at balikan ang kanyang dating profession, puwede ba siyang makakabalik anytime? 
     "Yes, puwede naman kasi sa dual citizen ako at sa US , walang age limit ang pagiging Neuro Surgeon, as long as kaya mo pa, tatanggapin ka nila ulit," paliwanag ni Doc Mel na masarap pakinggan ang boses dahil  napaka-sweet. 




       Goodluck Doc Mel sa iyong mga charity works at ang inyong advocacy to empower women lalo na yung mga battered women at yung mga kababaihan na low ang self-esteem, pinapalakas nyo ang loob nila. 
      Anyway, abangan ang vlog namin kay Doc. Mel sa mismong tahanan niya sa  Lipa City na mapapanood sa Timmy Basil  youtube at Dear Tito Timmy page. 
      

Comments

  1. Thanks for reading. I have Youtube channels, Timmy Basil and Ganda Lalaki, Ganda Babae and I have a Facebook Page, Dear Tito Timmy .

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX