"SILAB", PINAKAMAGANDANG PELIKULA NA NAGAWA DURING THE PANDEMIC

 HABANG  kasalukuyang sino-shoot noon  ang pelikulang "Silab" starring JASON ABALOS  at ang mga baguhang sina CLOE BARRETO AT MARCO GOMEZ, may nakapag-bulong na sa akin na hindi basta-basta ang nasabing pelikula dahil isa itong Joel Lamangan film at idagdag pa si Raquel Villavicencio na siyang script writer nito . 

<script data-ad-client="ca-pub-7254930474419644" async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>
                                            Marco Gomez, Cloe Barreto at Jason Abaslos 


       Sa kasalukuyan ay buo na ang pelikula at naghihintay na lang ito na magbukas muli ang mga sinehan para maipalabas na ito.  

      Noong isang araw, inimbitahan kami ni Maam Len Carillo ng 3:16 Media Networks na siyang producer ng "Silab" at bago ang special screening  ay nagkita-kita muna kami sa Iago's, ang paboritong place ni Maam Len upang makapag-meryenda. Malapit lang din ito sa screening venue, tatawid lang ng kalsada. 

                                                                    Jason Abalos 

 

      Nandoon ang isa sa mga bida ng "Silab", si MARCO GOMEZ  at nagpa-unlak pa ito ng maiksing interview. Ako mismo ang nagtanong kay Marco kung ano ang mai-expect namin sa "Silab". "Ay naku Tito, magugulat kayo sa twists. May twist na tapos may isa pang twist , panoorin mo na lang," sagot nito. 

     Eh balitang may butt exposure at frontal scene din siya sa nasabing pelikula. "Panoorin nyo na lang po, ayoko po kayong pangunahan," sabi ni Marco na mas lalong nagpapanabik sa amin. 

                                                                         Cloe Barreto


      Sumama sa special screening na iyon si Marco dahil first time din niya itong mapapanood. Katabi niya ang isa pang 3:16 Talent sa upuan,si Karl Aquino na kasama rin sa naturang pelikula, kapatid siya ni Jason Abalos .

        Maganda ang cinematography ng "Silab", maganda ang lightings at napakaganda ng napili nilang lokasyon .

        Given na na  magpapakita ng kahusayan si Jason Abalos dahil matagal na rin naman siya sa  industriya. Mag-breastfriend sila ni Marco . Pareho silang galing ng Qatar at may pangyayari kung bakit inuusig sila kahit na pareho na silang nakauwi ng Pilipinas .

       Reveleation dito si Cloe Barreto na ibang klaseng akting ang ipinakita. Tama si Direk Joel Lamangan sa mga nauna niyang remarks tungkol kay Cloe, para siyang si Jaclyn Jose noong nag-umpisa - subtle acting pero grabe ang impact. 

       Si Cloe ay asawa ni Jason at alamin kung bakit pumasok si Marco sa eksena ng mag-asawa . At hindi lang basta pasok, talagang umeksena siya ng bonggang-bongga.

                                                         Poster of "Silab"


       Tama, may mga butt exposures si Marco at ilan pang nakakatulo-laway na eksena niya kasama si Cloe 

       Hinangaan din ng mga press na inimbitahan ang akting ni Chanda Romero bilang nanay ni Cloe , Lotlot de Leon bilang nanay ni Jason Abalos at ni Jim Pebanco na napakahalaga din ng role. 

      Nakakatuwa rin ang eksena ni Quinn Carillo, anak ng producer na si Maam Len dahil pumayag siya sa role niya bilang isang babae na taga-gawa ng tuyo pero may highlights din naman siya lalong-lalo na ang eksena  kungsaan pinalo siya ni Cloe ng takong ng sapatos.

       Tama, ang "Silab" nga ang pinakamagandang pelikula na na-prodyus sa ilalim ng pandemya. Bagama't mga baguhan pa lang sa larangan ng pag-arte ang mga bida na sina Cloe at Marco pero nakikitaan na talaga sila ng potensiyal to make it big sa trabahong pinasok nila. 


                                                                       Quinn Carillo


     Huwag kukurap sa mga huling eksena ng "Silab" at tunghayan kung paano nag-transform ang character ni Cloe at kung ano ang kanyang ginawa kay  Jason lalo na kay Marco. 

       Hindi  ako magtataka kung balang araw ay mano-nominate ang dalawa (maging si Jason) sa acting category sa mga darating na mga film awards. Baka nga mananalo pa sila. 


                                                               Direk Joel Lamangan 


       Lahat ng nanood ay nagkaka-isa na maganda ang pelikula, maganda ang ipinakitang akting ng mga artista mapa-datihan man o baguhan . Siyempre, tatak  Direk Joel Lamangan yata yan, at idagdag pa riyan ang mahusay na  script ng batikang si Raquel Villavicencio kaya ang resulta - isang napakagandang masterpiece . 










Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX