"MAHIRAP PATAWANIN ANG MGA PINOY" - Joel Lamangan
SA presscon ng comedy.movie na Jackstone
5 na pinagbibidahan nina Eric Quizon, Jim Pebanco,Gardo Versoza, Arnel Ignacio at Joel Lamangan, kungsaan si Direk Joel din ang director, sinabi niya na mahirap patawanin ang mga Pinoy.Kailangan na kapag gagawa ka ng comedy, sisiguradohin mo na matatawa sila.
Ang istorya, mga retired OFWs sila na noong kabataan nila ay mahilig silang maglaro ng Jackstone at Paborito nila ang grupong Jackson 5 kaya Jackstone 5 ang tawag nila sa grupo nila.
Nagulat ang lahat sa revelation ni Direk Joel na meron siyang kissing scene sa “Jackstone 5” sa co-star nila sa movie na si Abed Green at kay Jhon Mark Marcia.
“Sa totoo lang that was my first kissing scene in film,” pasweet na sabi ni Direk Joel. that was my first kissing scene
Paulit-ulit pa na sabi niya
That was also his first ever kissing scene sa kapwa niya lalaki. At inamin ni Direk Joel na nanginginig daw siya nung ginawa niya ang kanyang first ever kissing scene.
Pag-amin ni Direk Joel, “Hindi ako kinabahan (sa kissing scene) pero na-excite ako.”
Sa edad nga naman ni Direk Joel, sadyang kagulat-gulat na ngayon lang niya na-experience ang magkaroon ng kissing scene sa movie.
Kahit may mga edad na sila pero nag i enjoy sila sa shooting, para silang mga bata.
Sinasabi ni Dieek Joel na mahirap patawarin ang mga Pinoy pero sa nakita kong clips sa naturang pelikula , ewan ko na lang kung hindi sila matatawa, tiyak hahalakhak pa sila.
Palabas na ang Jackstone 5 sa mga sinehan sa Devember 3.
Ang 2 nagga gwapohan at nagma machohang sina Abed Geen at Jhon Mark Marcia ay naging artista na ni Direk noon pero si Jhon Mark, hanggang ngayon ay natatakot pa rin kay Direk Joel na naging direktor niya sa launching movie niya na "Sisid Marino" pero aminado si Jhon na pagdating sa pag arte, ang dami niyang natututunan kay Direk Joel
At tingnan nyo naman si Jhon Mark ngayon, bukod sa pagiging Magicvoyz member ay kinilala din ang husay niya sa Entablado via Isang Libong Piso na magkakaroon ng re run soon at nanalo oa ng award.
Ang sabi ni Eric Quizon, ang Jackstone 5 ay
"More than just a fun movie, may puso siya. Ito iyong klase ng pelikulang kailangan natin para ma-entertain tayo at kahit paano ay mapagaan iyong mga dinaranas natin sa bansa ngayon. It also talks about essence of friendship," pagtatapos niya.
Si Arnel Ignacio naman, aminadong kailangan niya ang ganitong pelikula lalo na ngayon na may pinagdadaanan siya.
At si Jim Pebanco naman na halos lahat ng Lamangan movie ay nandoon siya, kakaiba raw ang kanyang experience dahil nakakasama niyang umarte si Joel Lamangan, first nila ito pareho.
Absent si Gardo Versoza sa pressconn pero sa nakikita ko sa lils, nakakatawa din siya at kuwelang kuwela.
Nasa cast din ng pelikula sina Marcus Madrigal, Elora EspaƱo, Rico Barrera, Prince Clemente at Angela Cortez.
Again, palabas na ang komedyang may puso sa mga piling sinehan simula sa Disyembre 3.
Ito ay iprinudyus ng Apex Productions with Dennis Evangelista as line producer.
THANKS PIDOL'S BAKESHOP
Lahat ng umattend na press people at mga artista ay binigyan ng box box ng Pidol's
Di nakatiis ang staff ni Lito de Guzman (manager ni Jhon Mark Marcia) na si Gil at binuksan niya a g isang box at tinikman namin. Ang sarap sarap.
Isa ito sa mga negosyo ng mga naiwan ni Mang Dolphy na patok na patok sa masa at lahat ng cast ng JACKSTONE 5 ay may pa Sharon din.
Maraming salamat Dennis Evangelista. Roldan Castro and Lito de Guzman for the in ites.
-TIMMY BASIL/BLOG BUDDIES. For invites, please call 09566330987 or Message me at TEOTIMO TIMONEL BASIL fb or at DEAR TITO TIMMY PAGE











Ill wat h it
ReplyDelete