ANG AKING MGA ANAK palabas na

Ang Aking Mga Anak Direksyon: Direk Jun Miguel Produksyon: Dreamgo Productions Distribusyon: Viva Films Ang Ang Aking Mga Anak ay isang pelikulang nagulat ako sa epekto. Akala ko noong una ay pangbata lang—simple, magaan, at pampamilya. Pero habang pinapanood ko, unti-unti kong naramdaman na mas malaki at mas malalim ang gustong iparating ng pelikula. Ipinakita nito ang totoong buhay—ang hirap ng magulang sa pagtustos sa pamilya, ang mga sakripisyong ginagawa para sa kinabukasan ng mga anak, at ang mga pagsubok na hindi lang nakakaapekto sa isa kundi sa buong pamilya, kaibigan, at komunidad. Ramdam na ramdam ko ang bawat eksena—mula sa mga tawa hanggang sa mga luha. Ngunit higit sa lahat, dala ng pelikula ang malinaw na mensahe ng pag-ibig, pag-asa, pagkakaibigan, at pananampalataya. Kahit gaano kabigat ang problema, ipinapakita nitong may milagro at may dahilan para magpatuloy, dahil hindi tayo pinapabayaan ng Diyos Ama. Ang pamagat mismo—Ang Aking Mga Anak—ay napakalalim ng...