BAGATSING at OCAMPO: Mga Haligi ng Serbisyong Pampubliko sa Maynila
Blog by TIMMY BASIL SA ilalim ng makasaysayang pamana ng paglilingkod ng mga Bagatsing at Ocampo, pormal nang naghain ng kanilang kandidatura ang mga kinatawan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP)-Manila sa Commission on Elections (COMELEC) sa SM Manila noong Martes. Pinangunahan ng tumatakbong Alkalde ng Maynila, Ramon San Diego Bagatsing III at ng kanyang ka-running mate na si Pablo Dario Gorosin Ocampo, kandidato sa pagka Pangalawang Alkalde ang kanilang paghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) at Certificates of Candidacy (COC). PAGSASAMA NG DALAWANG PAMILYA NG SERBISYO SA BAYAN SA kabila ng hamon ng panahon, nananatiling buo ang dedikasyon ng mga Bagatsing at Ocampo na ipagpatuloy ang kanilang malinis na pangalan sa pamahalaan. Kilala ang mga Bagatsing sa kanilang walang bahid ng korapsyon at tapat na paglilingkod mula pa noong termino ng dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing Sr., ang pinakamatagal na naglingkod ng alkalde ng lungsod. Samanta...