Posts

Showing posts from September, 2024

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

Image
BY TIMMY BASIL FINALLY , nailunsad na ang grupong Magic Voyz na kinabibilangan ng pitong nagagwapohan at nagma-machohang mga nilalang na may kanya-kanya nang napatunayan sa showbiz bago sila nabuo bilang grupo Saksi ang inyong lingkod kung paano nabuo ang grupo. Unang meeting pa lang na ginanap sa Victoria Tower sa may Sct. Borromeo ay nandoon na ako. Parang audition na rin iyon. Pinakinggan namin ang boses nina Jhon Mark Marcia na marahil ay kilala nyo na dahil sa dami na rin ng kanyang exposure sa showbiz maging sa Eat Bulaga bilang miyembro ng Macho Men. Bukod dyan ay naging representative na rin si Jhon ng Pilipinas sa isang international pageant at kilalang modelo. Naroon din si Jace Ramos na ang dating screen name ay Owen. Yes, (dati) kasi matagal na rin siya sa entertainment at nakailang beses na rin siyang naging miyembro sing and dance group. Same thing with Ian Briones, kasa-kasama ito ni Jace sa dance group, isa rin siyang brand ambassador. First time ko