ABANGAN ANG PAG-IKOT NG BAYANI LOVE'S HERO Z, THE ZOMBIE MUSICAL

SA panulat at direksyon ni Atty. Vincent M. Tañada Ang dulang Bayani Love’s Hero Z ay isang orihinal na Filipino Musical na sumasalamin sa mahahalagang kaganapan at kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng Kastila ngunit ginamitan ng talinhaga at isinalin sa isang hindi matukoy na panahon sa isang magulong komunidad.
Ang komunidad ay marahas na pinaghaharian ni Boss Tsip. Sa kanyang kagustuhan na lipulin ang mga tumutuligsa sa kanyang pamamahala at maubos ang mga dukha, nagimbento ang kanyang pangkat ng mga siyentipiko ng isang virus na mabilis na kakalat sa mga pamayanan. Wala pang lunas ang virus na ito. Sa gitna ng mga kaganapang pang-aabuso ng kanyang pamamahala, na maihahalintulad sa pagdidiin sa mga indio ng mga Kastila, umusbong ang apat na magkakaibigan na siyang lalaban sa kawalan ng katarungan at aasam sa Kalayaan: Si Andy (halaw sa katauhan ni Andres Bonifacio), Jayriz (Jose Rizal), Kudz (Sultan Kudarat) at Pol (Apolinario Mabini). Ang apat na magkakabarkada ang maglalakas loob upang kalabanin ang maling pamamahala ni Boss Tsip at ng kanyang mga tagasunod. Sa gitna ng pagkalat ng virus, pinag-utos ni Boss Tsip ang isang pangmalawakang lockdown upang mapigilan din ang pagtuligsa at napipintong rebelyon na sinimulan ni Ding (halaw kay Diego Silang), isang uring manggagawa. At sa pagpatay kay Ding, pinagpatuloy ng kanyang balo na si Ella (Gabriela Silang) ang pakikipaglaban sa tulong ng isang matanda na si Tata Selo (halaw kay Melchora Aquino o Tandang Sora. At sa pagigipit ni Boss Tsip umusbong ang kagustuhan ng apat na bida na tumulong sa pagsiwata ng virus at ganon na rin ang pagtutol sa marahas na pamamalakad.
Si Kudz na isang muslim ang unang pinagdudahan at kinulong. Sa kabila ng pagsusumamo ni Andy na ipagpatuloy na ang rebelyon, hindi ito nagpatuloy dahil sa hindi pagsang-ayon ni Jayriz. Pinaglalaban ni Jayriz na kailangang itaguyod ang edukasyon upang magkaroon ng lakas ang lipunan na inaapi ng pamahalaan. At sa pagkamatay ni Pol dahil sa isang karamdaman, naglakas loob si Jayriz na tumakas sa lockdown at magtungo sa ibang bansa para ipagpatuloy ang edukasyon. At sa pag-aaral ni Jayriz at sa pagtatapos bilang isang ganap na mediko, natuklasan niya na isang gawa-gawang virus pala ang kumakalat sa kanyang bayan. Natuklasan din niya ang tamang gamutan upang masiwata ang virus. Sa pagbabalik ni Jayriz at pagdadala ng lunas sa karamdaman, binaliktad pa siya ng pamahalaan ni Boss Tsip at pinaratangan pa ng rebelyon at sedisyon. Sa isang pekeng paglilitis, hinatulan si Jayriz ng kamatayan at siya ay binaril sa plaza. Ito ang nagtulak para kay Andy na ipaglaban ang Kalayaan kasama ang mga uring manggagawa na mga kasamahan siya. Sa pagtatagumpay ni Andy laban sa marahas na si Boss Tsip, napatunayan na maaabot ng bayan ang inaasam kung mayroong pagkakaisa at malinis na hangarin na ipagtanggol at mahalin ang bayan.
Ang dulang musikal na ito ay malikhain at artistikong interpretasyon sa mahalagang kasaysayan ng Pilipinas upang maging mas malapit sa wika, gawi, musika, galaw, at kasuotan ng makabagong panahon. Sa pamamagitan nito mas magiging malawak at malikhain ang kaisipan ng mga kabataang manonood. Ang pagpasok ng paksa ukol sa pandemya ay isa ring epektibong pag-unay ng kasaysayan sa makabagong panahon. Ang lahat ng mga paksa na ipinasok sa dula ay magiging epektibo na paraan upang magamit ang sining sa pag-eduka sa ating mga kabataan. Ang pinakamabisang layunin ng dulang ito ay ang pagsasanib ng sining, kasaysayan at danas para makapagturo sa lahat ng mga manonood.
Mula sa panulat at direksyon ng Multi-awarded director and writer (Aliw, Broadway World, Dangal ng Bansa, Palanca and FAMAS, among them) Vincent M. Tañada at musika ni Pipo Cifra bilang musical director. Ang dulang Hero Z ay para sa lahat ng manonood (general patronage), ang dula ay tatakbo ng may humigit kumulang isa’t kalahating oras. “Bayani Love’s Hero Z” will run in theatre venues all over the Philippines from October 2023 till August of 2024. The musical will feature the music of the multi-awarded musical director and composer Pipo Cifra, and the actors’ pool of PSF. For show buyers and other inquiries, you may contact us through Ms. OJ Arci - 09166181831 and Mr. Johnrey Rivas/pr?TIMMY BASIL

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX