QUINN CARRILLO NOMINADONG NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR SA 38TH PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES

Masaya si Quinn Carrillo na nominado siya sa 38th PMPC Star Awards for Movies bilang New Movie Actress of the Year para sa pelikulang “Silab.” Gaganapin ito bukas, July 16 sa Centennial Hall, Manila Hotel.
Malayo na ang narating ni Quinn simula sa ‘Silab’ dahil nagbida na siya sa pelikulang ‘Biyak’ . Nasundan pa ito sa movie na ‘Litrato’ with Ai Ai delas Alas na palabas sa July 26.
“Thank you so much PMPC for nominating me.Sobrang laking honor na ma-nominate po.Manalo o matalo okey na po sa akin na mabigyan niyo ako ng recognition happy na po ako doon,” bulalas niya nang makatsikahan siya sa presscon ng ‘Litrato.’ Kung mananalo siya ihahandog niya ang kanyang tropeyo sa pamilya niya. Lagi raw silang nandiyan para suportahan ang gusto niyang gawin. Sila raw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career.
Puring-puri naman si Quinn sa direktor nilang si Direk Louie Ignacio in fact, sa Facebook ni Direk Louie ay buong ningning niyang ipinagmamalaki si Quinn na napakahusay daw at tiyak na malayo ang mararating.
Busy man sa paggawa ng Script at sa pagiging artista, active din si Quinn at ang kanyang grupong VMX Bella dahil regular silang napapanood sa Viva Cafe pati na ang VMX V na isang boy group naman na kaasmahan nila sa 3:16 Media Network owned by Maam Len Carrillo/TIMMY BASIL

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX