MYSTICA SPECIAL GUEST SA OPENING NG JACK CEBU LECHON SA LAS VEGAS

ANG daming ganap ng tinaguriang Rock Diva at Split Queen na si Mystica sa U.S. ngayon particularly sa Las Vegas kungsaan siya naka-base. Madalas pa rin siyang kinukuhang guest sa mga Pinoy Community doon in fact ,sa July 22 ay special guest siya sa opening ng Jack Cebu Lechon na alam naman natin na ang sarap-sarap ng lechon Cebu.
Palaki na nang palaki ang Jack Cebu Lechon dahil sa loob ng isang linggo ay naka-60 pigs silang nili-litson, hindi pa kasama ang mga orders. Aba, , suwerte ka talaga Mystica. Karaoke Night and Dancing ang tema ng selebrasyon kasama ni Mystica si Jimmy Nacelli, isang Elvis Presley impersonator. Alam kong paboritong-paborito ni Mystica ang Lechon Cebu.
*** Samantala, may segment si Mystica na pinamagatang "The Mystic Road to Success" sa radio program ni Bing Formento entitled Abot Kamay. Si Sir Bing famous noong broadcaster sa Pilipinas and KBP Golden Dove Awardee pa siya . Every Tuesday, 5 pm ang kanilang show. Doon isi-share ni Mystica ang mga success stories ng mga tao na kanyang na-interview.
NO MORE CHARITY FOR MYTICA
Sorry guys, tinigil na ni Mystica ang kanyang charity. 'Yun bang nagpapalaro siya at namimigay siya thru gcash sa mga taong humihilingi sa kanya sa pamamagitan ng kanyang fb page. Nagdesisyun si Mystica na itigil na ito after her son Stanley's death. Kasi ginawa niya ang pa-charity na iyon para ma-train si Stanley na mag-charity at para may malibangan na rin pero nang mamatay ito a few months back ay nawalan na si Mystica nang gana na ipagpatuloy ito. Dito rin napatunayan ni Mystica na pera pera lang din ang habol ng kanyang mga supporters dahil nang i-aanounce niya na ititigil na niya ang kanyang pamimigay ng gcash ay nagsipag-unsubscribe ang mga ito pero okey lang kay Mystica, at least sa maaga pa lang , nalaman na niya ang karakas ng mga ito .

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX