"QUIZON CT, ANG PROGRAMANG PAPAWI NG ATING TAKOT AT PANGAMBA

MAGDA-DALAWANG taon na tayong ginugupo ng Covid, labis na lungkot at takot ang ating nararamdaman ngayon hindi lang tayong mga Pinoy kundi sa buong daigdig . Naghahanap tayo ng mga palabas sa telebisyon na kahit papaano ay maibsan ang ating lungkot at lumbay at pagkatakot ... at sa sa tingin ko, ang bagong gag show ng NET 25, ang "Quizon CT" ang isa sa mga kasagutan - na pambalanse sa ating nararamdaman ngayon upang kahit sandali ay makakalimutan natin ang ating kinakaharap na takot at pangamba
Noong Linggo (January 9) ay napanood natin ang first episode ng Quizon CT (CT stands for Comedy Theater) na ang mga bida ay mga Quizon (anak ni Comedy King na si Dolphy) na sina Epy Quizon, Vandolph Quizon at Eric Quizon (na isa sa mga direktor ng nasabing gag show along with Epy) at si Jenny Quizon na esposa ni Vandolph.
Napanood ko ang first episode at sa totoo lang, parang biglang nabuhay si Mang Dolphy dahil ito ang klase ng komedya na ipinakita niya sa atin noon, clean fun at pampamilya. Havey na havey ang mga jokes nila lalong lalo na yung nakipag-break si lalaki (Martin Escudero sa kanyang girlfriend (Billie Hakenson) at kinakailangan din daw NA makipag-break si lalaki sa pamilya nito dahil noong niligawan niya si Billy at niligawan din niya ang pamilya nito.
Noong January 11, idinaos ang virtual zoom conference para sa main cast ng Quizon CT hosted by CRV at nalaman namin na hindi half-brothers ang turingan nila sa isa't-sa kundi totoong magkakapatid kungsaan si Eric ang tumatayong Kuya sa kanila at siyang pacifier kung saka-sakaling may mga sigalot man ang kanyang mga kapatid na normal lang sa isang pamilya.
Nagkakaisa din sina Epy, Eric at maging si Jenny na pagdating sa komedya, si Vandolph ang nagmana talaga sa istilo ni Mang Dolphy. "Kuhang-kuha niya ang timing ni Dad," sabi nina Epy at Eric. Sa umpisa ng palabas ay ipinakita na sumunod sa safety protocol ang mga artistang kasama sa Quizon CT, lahat ay nagpa-swab test at lahat ay negative at naka-locked in din sila.
Nagpa-igting din sa pagpapatawa ng Quizon CT ay ang co-stars nito na sina Martin Escudero, Garry Lim, Bearwin Meily, Gene Padilla kasama ang beauty queen na si Billie Hakenson, Tanya at si Charuth. Mapapanood ang Quizon CT tuwing Linggo, 8:00 sa NET 25. So sa gustong takasan ang takot ang lungkot dulot ng Covid at ng Omicron, ugaliing manood ng Quizon CT para tumawa at makisaya sa mga jokes na hatid ng buong cast. Maraming salamat din Cesar Ian Batingal sa imbitasyon.

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX