Posts

Showing posts from January, 2022

"QUIZON CT, ANG PROGRAMANG PAPAWI NG ATING TAKOT AT PANGAMBA

Image
MAGDA-DALAWANG taon na tayong ginugupo ng Covid, labis na lungkot at takot ang ating nararamdaman ngayon hindi lang tayong mga Pinoy kundi sa buong daigdig . Naghahanap tayo ng mga palabas sa telebisyon na kahit papaano ay maibsan ang ating lungkot at lumbay at pagkatakot ... at sa sa tingin ko, ang bagong gag show ng NET 25, ang "Quizon CT" ang isa sa mga kasagutan - na pambalanse sa ating nararamdaman ngayon upang kahit sandali ay makakalimutan natin ang ating kinakaharap na takot at pangamba Noong Linggo (January 9) ay napanood natin ang first episode ng Quizon CT (CT stands for Comedy Theater) na ang mga bida ay mga Quizon (anak ni Comedy King na si Dolphy) na sina Epy Quizon, Vandolph Quizon at Eric Quizon (na isa sa mga direktor ng nasabing gag show along with Epy) at si Jenny Quizon na esposa ni Vandolph. Napanood ko ang first episode at sa totoo lang, parang biglang nabuhay si Mang Dolphy dahil ito ang klase ng komedya na ipinakita niya sa atin