TANONG NI ALI SOTTO AT PAT-P DAZA: ANO SA PALAGAY 'NYO?

May bagong morning TV-radio experience na hatid ng NET25 simula Lunes, October 18, alas otso ng umaga. Samahan sina Ali Sotto at Pat-P Daza na sagutin ang ANO SA PALAGAY 'NYO?
Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalakeng broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may 'say' pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan. Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon. "Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo," ayon kay Ali.
"I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what's happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari," saad Pat-P. Magiging "very light at naiintindihan ng lahat ng tao" ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5. Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa pulitika man yan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan. Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates. Facebook: NET25 Instagram: @net25tv Twitter: @net25tv Telegram: t.me/net25eaglebroadcasting Youtube: NET25 Official website: net25.com

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX