Toni, Bianca, and Robi, back as main hosts… SEARCH FOR “PINOY BIG BROTHER KUMUNITY SEASON 10” HOUSEMATES BEGINS THIS SEPTEMBER ON KUMU

ABS-CBN’s “Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10” begins its search for new housemates as it gears up for another season that will show to the world the excellence, strength, resourcefulness, and goodness of Filipinos. After last week’s big announcement on the return of the popular reality show, auditions for the Adult Edition will officially open on September 1 to 30 via the Pinoy community platform Kumu. The upcoming tenth regular season of “PBB” will also feature Celebrity and Teen Editions. “We wanted to give viewers something new. Matagal na rin kasi na wala tayong celebrity housemates na group. The last one was Lucky Season 7 pa. Ngayon sila ‘yung magsisimula ng season then followed by adults and teens then sa dulo may mangyayaring twist na dapat abangan,” said “PBB” creative head Marcus Vinuya in the virtual media conference held on Monday (August 30).
Also present in the event were ABS-CBN entertainment production head and Star Magic head Lauren Dyogi and hosts Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, and Robi Domingo, who expressed excitement for the return of the program. “Doing ‘PBB’ is like a part of our lives already, nina Bianca and Robi. This is our second home. And it’s always a big blessing when we are given an opportunity to the another season para sa ating mga Kapamilya,” said Toni, who has been a part of “PBB” since it started in 2005.
According to Bianca, who was part of “PBB Celebrity Edition 1,” the entire “PBB” family is grateful to be together again to bring light and joy to viewers during this pandemic. “Kita mo ‘yung saya nung tao…‘yung fans na sobrang excited na sumaya, ma-inspire. Kasi in the middle of everything na pinagdaraanan natin grabe ‘yung joy, ‘yung inspiration, ‘yung hope na nabigay nung last season sa napakaraming manonood,” she said. Robi revealed that they have been wishing for another season as early as the “PBB” Season 9 Big Night. “Just like the theme, ‘yung pangarap pwedeng magkakatoo. Saktong-sakto few months after the Big Night eto na we’re gonna have the auditions for the tenth season of PBB,” said the runner-up of “PBB Teen Edition Plus” who is now one of the most in demand hosts and respected youth advocates in the country. Lauren, meanwhile, expressed his joy of seeing the trio together again for another “PBB” season, as well as other ex-housemates who have also remained part of the show in one way or another. “Every time I see ex-housemates also getting their lives better, it gives us the motivation and the drive to continue with ‘PBB.’ Kasi ito talaga ‘yung patuloy na kahit papano nagbabago ng buhay. That experience alone, of auditioning and being a housemate, talagang may maidudulot itong mabuti sa inyo. On behalf of ABS-CBN management, we would like to thank Kumu for partnering again with us for this new season,” he said. Meanwhile, other ex-housemates shared their memorable experiences and lessons learned inside the “PBB” house and also gave tips to aspiring housemates during the “PBB Kumunity Season 10” Party last Friday (August 30) on Kumu. “Natutuwa akong malaman na hanggang ngayon ay pinapahalagahan ninyo ang mga alaala ninyo sa loob ng aking bahay at patuloy na isinasabuhay ang mga aral na natutunan ninyo bilang housemates. Naway patuloy kayong maging ehemplo sa mga susunod pang magiging housemates ng aking bahay,” Big Brother told them. To audition for “PBB Kumunity Season 10,” hopefuls just need to download the Kumu app, create an account, and upload a 1-minute Kumu clip where he or she will introduce oneself and say why he or she is deserving to become a housemate, and use the hashtag “PBBKumuAdults.”
Auditions for Adult Edition for those who are 20 to 40 years old will be until September 30, while auditions for the Teen Edition, for those 15 to 19 years old, will begin on December 1 to December 31 and will use the hashtag “PBBKumuTeens.” Stay tuned for more exciting announcements about “PBB Kumunity Season 10” on Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), and Kumu (@PBBABSCBN).For other ABS-CBN updates, follow @ABS-CBNPR on Facebook, Twitter, TikTok, and Instagram (@abscbnpr) or visit abs-cbn.com/newsroom. -30- Toni, Bianca, at Robi, balik bilang main hosts… “PINOY BIG BROTHER KUMUNITY SEASON 10," SISIMULAN NA ANG PAGHAHANAP SA BAGONG HOUSEMATES SA KUMU Sisimulan na ang paghahanap sa mga bagong housemate na bubuo sa “Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10” na muling papatunayan at ipapakita sa buong mundo ang likas na galing, katatagan, diskarte, at kabutihan ng Pilipino. Pagkatapos i-anunsyo ni Kuya ang nalalapit na pagbubukas ng kanyang bahay noong nakaraang linggo, opisyal nang bubuksan ang auditions para sa Adult Edition sa Setyembre 1 sa pamamagitan ng Pinoy community platform na Kumu. Bukod sa Adult Edition, magkakaroon din ng Celebrity at Teen Editions ang ika-sampung regular season ng “PBB.” “We wanted to give viewers something new. Matagal na rin kasi na wala tayong celebrity housemates na group. The last one was Lucky Season 7 pa. Ngayon sila ‘yung magsisimula ng season then followed by adults and teens then sa dulo may mangyayaring twist na dapat abangan,” sabi ng creative head ng “PBB” na si Marcus Vinuya sa ginanap na virtual media conference noong Lunes (Agosto 30). Kasama rin doon sina ABS-CBN entertainment production head at Star Magic head na si Lauren Dyogi at ang hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo, na lubos rin ang pasasalamat sa pagbabalik ng programa. “Doing ‘PBB’ is like a part of our lives already, nina Bianca and Robi. This is our second home. And it’s always a big blessing when we are given an opportunity to do another season para sa ating mga Kapamilya,” ani Toni, na naging bahagi na ng “PBB” mula nang una itong inilunsad noong 2005. Sabi naman ni Bianca, na nanggaling sa “PBB Celebrity Edition 1,” bukod sa pasasalamat nila na magkakasama-sama muli ang “PBB” family sa kabila ng pandemya, masaya rin siya para sa fans ng programa. “Kita mo ‘yung saya nung tao…‘yung fans na sobrang excited na sumaya, ma-inspire. Kasi in the middle of everything na pinagdaraanan natin grabe ‘yung joy, ‘yung inspiration, ‘yung hope na nabigay nung last season sa napakaraming manonood.”
Kwento naman ni Robi, Season 9 Big Night pa lang ay hinihirit na nila na magkaroon ng Season 10. “Just like the theme, ‘yung pangarap pwedeng magkakatoo. Saktong-sakto few months after the Big Night eto na we’re gonna have the auditions for the tenth season of PBB,” ani ng runner-up sa “PBB Teen Edition Plus” na isa na ngayong tanyag na host at respetadong youth advocate. Ibinahagi naman ni Direk Lauren ang saya niya tuwing nakikita muli sina Toni, Bianca, at Robi na magkakasama, pati na rin ang iba pang ex-housemate na nananatiling parte ng programa sa kani-kanilang paraan. “Every time I see ex-housemates also getting their lives better, it gives us the motivation and the drive to continue with ‘PBB.’ Kasi ito talaga ‘yung patuloy na kahit papano nagbabago ng buhay. That experience alone, of auditioning and being a housemate, talagang may maidudulot itong mabuti sa inyo. On behalf of ABS-CBN management, we would like to thank Kumu for partnering again with us for this new season,” aniya. Kanya-kanya ring kwento ng mga karanasan, natutunan, at tips para sa mga aspiring housemate ang iba pang ex-housemates na ginanap na “PBB Kumunity Season 10” Party noong Biyernes na mapapanood pa rin sa Kumu. Mensahe sa kanila ni Big Brother, “Natutuwa akong malaman na hanggang ngayon ay pinapahalagahan ninyo ang mga alaala ninyo sa loob ng aking bahay at patuloy na isinasabuhay ang mga aral na natutunan ninyo bilang housemates. Naway patuloy kayong maging ehemplo sa mga susunod pang magiging housemates ng aking bahay.”
Para mag-audition sa “PBB Kumunity Season 10,” kailangan lang mag-download ng Kumu app, gumawa ng account, at mag-upload ng isang minutong Kumu clip kung saan ipapakilala ng aspiring housemate ang kanyang sarili, sasabihin kung bakit siya ang karapat-dapat na maging housemate, at gagamitin ang hashtag na “PBBKumuAdults.” Hanggang Setyembre 30 ang auditions para sa Adult Edition para sa mga may edad na 20 hanggang 40 years old habang mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 31 naman ang auditions para sa Teen Edition para sa mga may edad na 15 hanggang 19 years old, na gagamit naman ng hashtag na “PBBKumuTeens.” Abangan ang iba pang exciting announcement para sa “PBB Kumunity Season 10” sa Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), at Kumu (@PBBABSCBN). Para sa ibang balita sa ABS-CBN, i-follow ang @ABS-CBNPR sa Facebook,Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Comments

  1. Ay bonggacious , ito na pagkakataon natin guys, mag-audtion na tayo

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX