Ngayong Linggo na! 36th PMPC Star Awards For Movies

ALL set na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa Gabi Ng Parangal ng 36th Star Awards For Movies na gaganapin sa pamamagitan ng virtual awarding, sa ika-26 ng Setyembre, 2021, Linggo, ganap na 6:00 hanggang 9:00 ng gabi, at mapapanood sa STV Digital TV at RAD streaming platform.
Magsisilbing hosts sina Sanya Lopez at Alfred Vargas, habang maghahandog ng special song number sina Regine Velasquez- Alcasid, Jed Madela at Luke Mejares. Ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay igagawad sa veteran actress na si Angie Ferro habang ang Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob kay Direk Elwood Perez na nagdiriwang ng ika-50 taon niya sa movie industry. Ang 36th PMPC Star Awards for Movies ay handog ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng kasalukuyang Presidente na si Roldan Castro, sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Dino-Seguerra at ng Wemsap ni Wilbert Tolentino. Mula ito sa direksiyon ni Pete Mariano. Ang kabuuang programa ay ipalalabas din sa iba't ibang online platform gaya ng PMPC Facebook page, Film Development Council of the Philippines (FDCP) Channel, Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page,EuroTV Facebook Page, Abante Radyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media, sa ganap na 9:00 nang gabi ring iyon

Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX