UPDATE 2: MADAM INUTZ, HINDI KAKATALSAN NG BAGONG MANAGER NA SI WILBERT TOLENTINO NG KOMISYON

By TIMMY BASIL
Updated 2: Pumirma si Madam Inutz (Daisy Lopez) ng kontrata sa Former Mr. Gay World titlist ,sikat na businessman, social media infuencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino nu’ng Huwebes ng gabi. Dalawang taon siyang ima-manage. Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa contract signing ay kasama nila si Atty. Bertini Causing. Wala siyang kukunin na komisyon sa lahat ng kikitain ni madam Inutz pero magi-endorse siya ng kanyang mga negosyo. Ang dating ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si mader sitang ay ring gagawin niya kay madam inutz. Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na gagawa ng single si Madam inutz entitled Inutil composed by ryan soto. Bubuo sila ng album ng nasabing viral online seller. Gagawin din siya ni Kuya Wil II na ambassador ng mga online seller.Tutulungan nila ang mga gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at owner.Tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-email at mag-message sa dlinutil@yahoo.com. Look for wilbert tolentino. YES, Vlog Buddies ang kontrobersiyal na online seller na si Madam Inutz kungsaan ginulat ang netizen sa kanyang biglang pagpirma sa Star Image ay natauhan at winidraw na ang kanyang kontrata sa naturang talent management. Ang dami kasing negative feedback sa kanyang pagpirma . Ang sumunod na eksena ay nang bigyan siya ng philantropist na si Wilbert Tolentino ng tumataginting na P200k para sa medicine ng kanyang bed-ridden na ina at dagdag puhunan sa kanyang negosyo. Mangiyak-ngiyak si Madam Inutz nang iabot sa kanya ni Sir Wilbert ang P200k cash. UPDATE: Kanina lang , August 19 ay pumirma na ng kontrata si Madam Inutz ng exclusive contract kay Wilbert Tolentino at ginawa nila ito nang live. Kaya madami ang naka-witness sa ginawa nilang contract signing. Kung sa unang pagpirma ni Madam Inutz sa Star Image ay inulan ng negatibong comment, itong pagpirma niya kay Wilbert Tolentino ay puro positive naman ang response ng netizen at may mga celebrity pa na nagko-comment na tama ang naging desisyun ni Madam Inutz na kay Wilbert siya magpa-manage. Congratulations Madam Inutz and Wilbert Tolentino.
Itinuturing na pumapangalawang Kuya Wil ang ka-freshness na si Wilbert Tolentino. Siya ay former Mr. Gay World titlist , businessman, social media infuencer at philanthropist . Sumusunod daw siya sa yapak ng generous TV host na si Willie Revillame. Bawat episode ng vlog niya ay meron siyang inaayudahan. Kahit sa mga subscribers niya ay namimigay si Kuya Wil II ng cash sa bawat vlog niya! Ito ay tinatawag na Kafreshness CodeBination Giveways. May 20 winners ng P500 Gcash at dalawa ang mananalo ng Oppo A15. Manood at sumali.Para sa mechanics i-follow niyo siya sa Instagram account niya na sirwil75.
Kamakailan ay may collab sina Kuya Wil II at ang viral online seller na si Madam Inutz (Daisy Lopez) sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel na may 1.4 M subscribers. Si Madam Inutz ay na-feature noon sa KMJS. Trending din ang paggaya sa kanya ni Pokwang.Nakipag-collab din sa kanya sina Ethel Booba at Donita Nose. Anyway, may sorpresang handog si Kuya Wil dahil nagbigay siya ng P200k sa mag-ina. P100 K para kay Madam Inutz at P100K sa ermat niya na may sakit. 2 days pa lang ay 1.6M na ang views nito. Hindi pa natapos diyan dahil nu’ ng Wednesday naman ay nag-upload si Kuya Wil ng 2 minutes shopping challenge kina Madam Inutz at Herlene Hipon. Worth P107,231 ang nahakot ni Hipon. Isi-share din daw niya ang mga blessing na natanggap niya mula kay Kuya Wil II sa mga kamag-anak niya at sa mga nangangailangan. Naniniwala siya na pag may biyayang dumating ay kailangang ipamahagi para may pumasok ulit na grasya .
Si Madam Inutz naman ay umabot ng P342,173 ang nashop niya sa challenge. Ititinda raw niya ito sa online para magamit sa medication ng kanyang ina. Marami tuloy ang nagsasabi na bagay si Wilbert na maging manager ni Madam Inutz ngayong ni-release na siya ng Star Image Management. Sigurado raw na maaalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Perfect manager siya dahil mapagkakatiwalaan ito at may koneksyon. Hindi rin sila mag-aaway sa datung at komisyon dahil na-witness naman ni Madam Inutz ang generosity ni Kuya Wil II.Hindi rin ito nasangkot sa kontrobersya sa pera dahil parehas itong lumaban. Abangan na lang natin kung hahantong sa talent at manager ang relasyon nila.
MADAM INUTZ, P200K ANG AYUDA MULA KAY WILBERT TOLENTINO Nilayasan ng viral online seller na si Madam Inutz (Inutil) aka Daisy Lopez ang Star Image Management. Nag-live sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay para ianunsyo kung bakit umalis siya sa naturang talent management.
Humingi raw siya ng payo sa kanyang mga kaibigan at pamilya sa biglaang desisyon. Kumunsulta na rin siya ng abogado para maintindihan niya ang nilalaman ng kontrata. “Unang-una pumirma ako ng kontrata, ang passport ko paso. pero tinanggap nila," sambit niya. “Hndi naman actually kinuha pero tinanong muna nila ako,okey lang ba na kunin nila 'yung phone number ko para sila na 'yung sumagot ng lahat ng calls na natanggap niyo. Ngayon, hindi na po ako ang sumasagot n’un. Binigay ko ang cellphone ko sa kanila which is mali pala kasi personal number ko ‘yun," sambit pa niya na tila naguguluhan sa situwasyon. Nagpahayag naman ng official statement ang Star Image na nire-release nila si Madam Inutz. Samantala, marami ang nagsasabi na magpahawak na lang si Madam Inutz sa Former Mr. Gay World titlist ,sikat na businessman, social media infuencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino. Tiyak na maalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Swak sila bilang manager at talent. “Hindi rin mag-aaway ‘yan sa pera dahil mayaman ang sinasabing pumapangalawa kay Willie Revillame sa pagbibigay ng ayuda.
Hindi nila pag-uusapan ang komisyon,” pahayag ng isang malapit kina Madam Inutz at Sir Wilbert. Anyway, may collab ang dalawa sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel kasama si Herlene Hipon. May sorpresang handog si Kuya Wil II na nagbigay ng P200k sa mag-ina. P100 K para kay Madam Inutz at P100K sa ermat niya na may sakit. Sobrang pasasalamat naman ni Madam Inutz sa generosity ni Kuya Wi II.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX