SARAH JAVIER, DATING MEMBER NG MONDAY GROUP NG THAT'S ENTERTAINMENT NI KUYA GERMS

By TIMMY BASIL. IF her name rings a bell, well.. it's because she was a former member of That's Entertainment ni Kuya Germs , Monday group.      Sixteen years old si Sarah nang pasukin ang magulo pero makulay na daigdig ng showbusiness. 
      Kabilang si Sarah sa huling batch ng That's Entertainment bago ito pinalitan ng DATS kungsaan si Kuya Germs pa rin ang main host.       Nang mawala ang That's Entertainment ay nawala na rin ang mga miyembro nito although may mangilan-ngilan na nagpapatuloy sa pag-aartista pero karamihan ay  ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral kagaya ni Sarah .       After so many years, muling binulaga ni Sarah ang showbiz industry. Naglabas ito ng album at na-nominate pa siya bilang New Female Recording Artist sa PMPC Star Awards for Music .Since then, naging visible si Sarah at nag-reconnect sa dati niyang mga kakilala sa showbiz particularly ang mga movie reporters na tumulong sa kanya noon.  REPRESENTING MRS. CAVITE IN MRS. UNIVERSE PHILIPPINES 2021
      HINDI  na bumitaw sa limelight si Sarah Javier after niya mag-released ng album at sa kasalukuyan, isa siya sa matunog na candidate sa Mrs. Universe Philippines 2021 representing Mrs. Cavite . Nahikayat siyang sumali sa Mrs. Universe Philippines dahil kaibigan niya at dating kasamahan niya sa That's Entertainment ang National Director ng Mrs. Universe Philippines na si Maam Charo Laude.        Bago ang pinakahuling ECQ nakagawa na ng  ilang charities ang official candidates ng Mrs. Universe Philippines 2021 gaya ng pamimigay ng food packs sa mga depressed community sa Metro Manila.        Isa rin si Sarah sa mga kandidata na madalas kuning guests sa mga online shows at digital shows.  Nakasama pa ng inyong lingkod si Sarah sa birthday fund-rasing ng vlogger, movie writer at film director na si Direk Benny Andaya  sa KUMU noong isang gabi.  Naabutan ko si Sarah noon sa That's Entertainment  pero hindi kami naging mag-close dahil mas close siya sa namayapang si Lolo Buenaobra at ako naman ay supporter ni Michael Gomez.        Sa naturang show , bumaha ang mga dias (gifts) at ako ang nagko-convert live sa mga gifts na sine-send ng viewers. Tawang-tawa sa akin si Sarah na nagpamalas din ng ilang awitin.    
SEE YOU AT OKADA
(Blog Sponsor)      May date na dapat ang finals ng Mrs. Universe Philippines 2021 pageant kaya lang , sa kasalukuyang sitwasyon .. baka maurong ito  pero in-assure sa akin ng mga taga Mrs. Universe Philippines 2021 na sa sosyal na Okada pa rin ito magaganap.      Ang bongga naman ng venue?     Habang ECQ ay pinaghahandaan na ng lahat ng candidates kung ano ang kanilang isusuot na gown sa finals, ang kanilang talent at siyempre, ang question and answer portion.       Pero alam kong kering-keri yan ni Sarah ang Q and A portion, eh magpapatalo ba siya eh sinanay na siya noon  ni Kuya Germs sa pagsasalita in front of huge audience?      Bago ang grand coronation sa Okada, siyempre  ask muna si Mrs. Cavite ng inyong support , please vote for her at kung ano pa ang maitutulong ninyo sa kanya. Just send her a direct message.       Attached here is the instruction how to vote.       Anyway, goodluck sa iyo Sarah at marami ang matutuwa kapag ikaw ang mananalo and be the next representative from the Philippines to Mrs. Universe Pageant.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX