"LET'S TALK ABOUT K" NI KEANNA REEVES, PINAPA-BONGGA!

By TIMMY BASIL ....... MALAKI talaga ang impact ng pandemic lalong lalo na sa pananalapi. Ang mga artista na limpak-limpak ang kinikita noon ay umaaray na dahil noong 6 months ng pandemic ay talagang walang galawan sa showbiz, walang shooting, walang taping, walang provincial shows - wala lahat. Ang iba ay naging instant online seller. Kung anu-ano na lang ang kanilang tinitinda sa online. Ang first PBB Celebrity Edition grand winner na si Keanna Reeves ay isa sa mga naapektuhan. Yes, naging online seller din siya. Kung anu-ano na lang ang kanyang tinitinda online, mga damit, bike , etc.
But since mahilig si Keanna na mag-FB Live, kinuha siyang mag-host sa online show at sinunggaban naman niya ito. Ang una niyang online show ay ang Talk and Trend kungsaan panay mga gwapong modelo ang kanyang mga guests. Experimental lang ito. Wala silang sariling studio , kungsaan-saan lang siya abutin ng kanyang timeslot. Hindi ito nagtagal. Hanggang sa dumating ang offer kay Keanna na gawin ang It's All About K , isang online show din but this time, may sistema na. Mayroon na itong magandang studio - ang K5 Digital Media, may legit na direktor sa katauhan ni Direk Angelo Carpio na gwapo at mabait, may producer , may mga staff at marketing kaya nakapagbigay sila ng mga products sa kanilang mg guests at honorarium pa.
Napapanood ito tuwing Friday, 5:00-7:00 ng gabi Mahigit dalawang seasons na ang inabot ng programa ni Keanna sa K5 Digital Media . Nagkaroon ito ng maraming followers at viewers. May mga pa-premyo pa sila sa kanilang mga viewers. Ang programa ring ito ang pinapanood ng mga movie writers dahil nakakakuha sila ng balitang artista para sa kanilang mga sinusulat na column sa mga diyaryo. Ito rin ang madalas na puntahan ng inyong lingkod at ni Benny Andaya dahil nakakapag-interview kami rito ng mga artista after sumalang sa show ni Keanna para sa aming blogs and vlogs. Dahil nga pandemic , walang naglakas-loob na mainstream tv na magkaroon ng showbiz talk show at ang show ni Keanna ay nagsilbing The Buzz o Startalk dahil mga sikat ang artista ang kanyang gini-guest. Lately ay napasok bilang kanyang co-host ang gwapong Bidaman at dating Vocalist ng boyband na 143 na si Yuki. Maganda ang kanilang tandem. Hindi sila nagsasapawan . Lalong dumami ang kanilang viewers. Hindi boring ang programa dahil nariyan din ang mga Tiktok superstars sina Rosie Bagenben at Shoogar Bet DeKalatsutsi na nagpapatawa.
NAG-REFORMAT/ BAGONG PRODU Maganda ang takbo ng programa hanggang sa nagkaroon ng health problem ang producer ni Keanna. Lahat nalungkot! Maraming nawalan ng trabaho lalo na ang mga staff . Tigil na raw! Pero napamahal na ni Keanna nang sobra-sobra ang programa. Ayaw niyang basta mawala ito sa ere . Hindi alam ng kanyang viewers na may malaking problemang kinakaharap si Keanna . Pero noong Biyernes ay napanood pa rin ito at doon ipinaliwag ni Keanna ang lahat . Nagmistulang nagpa-presscon si Keanna dahil isinalang niya kami ni Benny para tanungin siya sa mga pangyayari. Pero ito ang good news. Tuloy-tuloy ang Let's Talk About K sa dati nitong timeslot, medyo may konting changes lang. Imbes na 2 hours, magiging 1 hour na lang muna ito. Ang bagong producer ni Keanna ay walang iba kundi ang kanyang kaibigan na singer/businessman na si Gon Sul.
Matagal nang magkaibigan sina Keanna at Gon at sa mga nakaraang mga episodes ni Keanna ay naging guest na niya ito. Magre-reformat din ang show. Mawawala si Rosie pero na-retain naman si Shoogar Bet De Kalatsusi na very thankful dahil bukod sa napamahal na niya ang show ay ito rin ang kanyang bread and butter. Walang bitbit na staff ang bagong producer na si Gon . Hands on siya maging sa paghagilap ng sponsors dahil dito naman siya expert . Kaya sa mga viewers ng Let's Talk About K, tuloy-tuloy lang ang panonood . Mas malalaking pa-premyo ang naghihintay sa inyo sa darating na mga araw. At mas exciting ang mga ige-guest nila . Maliban sa "Let's Talk About K', may isa pang show si Keanna sa K5 Digital Medial, ang Push Mo Yan kasama si Arnel Ignacio. Mapapanood naman ito tuwing Sabado ng hapon.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX