SIKAT NOON, SIKAT NGAYON SA EUROTV PATULOY NA HUMAHATAW

 SAKSI ang inyong lingkod nung magsimula ang programang "Sikat Noon, Sikat Ngayon" sa Eurotv, every Saturday, 4:00-5:00 pm hosted by China Roces, Throy Catan at Lito de Guzman. 

      Kung hindi man ako makakapunta sa studio , sinisigurado ko na mapapanood ko ang naturang programa sa aking cellphone dahil naka-live ito sa Eurotv official page at sini-share ito ng mga hosts lalo na si China na may napakaraming followers  sa kanyang Youtube at Facebook Page. 

       Noong Sabado, May 1 ay naroon tayo upang muling saksihan ang kanilang live telecast. Sa opening ng show ay sasayaw muna ang 3. Sa loob ng isang buwan (every Saturday) ay inuulit nila ang kanilang dance step na ang kanilang choreographer ay walang iba kundi si Clarvie Lucena na taga-Cavite pa. 

       Pareho kasing busy ang tatlo, si China ay busy sa kanyang vlog, negosyo at sa pagiging single mom, si Throy Catan ay ganun din, busy sa kanyang vlog, sa pagma-manage ng talent at sa pagsusulat , lalo naman si Lito de Guzman na bukod sa pagiging tv host ay  isa ring businessman at isang talent manager kaya kumbaga tinitipid nila ang kanilang mga oras, afterall, di naman kasalanan ang mag-ulit ng opening number ng apat na beses hehehe

<script data-ad-client="ca-pub-7254930474419644" async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>
                         Throy Catan, JR Estudillo, China Roces, Aida Patana & Lito de Guzman 


        So, noong Sabado guest nila ang gwapong si JR Estudillo. Magkakilala na kami ni JR dahil makailang beses ko na siyang na-interview noon. Masaya ako for JR dahil isa siya sa mga sikat na KUMU performer at ang kanyang category na ngayon sa KUMU ay Bronze. Ibang level kapag Bronze ka na, Blue Checker nga panirapan na at para ka nang sumusuot sa ilalim ng karayom.

      Dahil sa kanyang pagku-KUMU ay nagbago ang buhay ni JR. Marami siyang mga negosyo gaya ng restaurant at kung anu-ano pa. Habang nagku-KUMU ay patuloy din si JR sa kanyang first love - ang pagkanta kungsaan mayroon siyang  single ngayon , ang MASKARA na kasama sa collaboration album ng  mga sikat ding KUMU personalities . Ipinarinig ni JR sa amin ang nasabing kanta at nagustuhan ito ng mga hosts lalo na si China na relate na relate ang bawat titik nito na may kinalaman sa Pandemic at sa pakikipag-relasyon. 

     Sunod nilang guest ay ang beauty queen/businesswoman na si Aida Patana from Cebu. Noon pa man ay nasa showbiz na si Aida at nagpo-produced na siya ng mga  concerts , yung iba ay international artists pa huh?

                     The gorgeous Aida Patana showing her product - a wine 


       May sash si Aida habang ini-interview at ang bongga niya dahil tatlong international pageants for married women ang kanyang sasalihan sa taong ito . Ang una ay sa Malaysia na ang sabi ni Aida ay this May na raw at may dalawa pang susunod bago matapos ang taon , iba't-ibang international pageant organizers ang mga ito na  lahat ay para sa mga misis.

                Ipinarinig ni JR Estudillo ang kanyang bagong kanta, ang Maskara 


      Samantala, pinakita ni Aida ang kanyang mga ibenebentang negosyo gaya ng mineral water, dried mangoes at  alak. 

       Sa Cebu ay mayroon din siyang tv show, isang game show ito at bongga rin ang kanyang mga pa-premyo  katuwang ang ML Lhuillier .

       Pa-bongga nang pa-bongga na nga ang "Sikat Noon, Sikat Ngayon"  dahil nga  ang daming nanonood nito. Happy siyempre ang Bossing ng Eurotv na si Sir Danny Mangahas  sa outcome ng nasabing show .

 
  Ang mga hosts na sina China Roces, Throy Catan at Lito de Guzman habang masayang          nagtsitsikahan 






Comments

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX