HULING PICTORIAL AT MERYENDA NA MAGKASAMA SINA CLAIRE DELA FUENTE, EVA EUGENIO AT PILITA CORRALES

 MASASABI kong masuwerte ako dahil nakunan ko ang huling pictorial (behind the scene) sina Claire dela Fuente (RIP), Eva Eugenio at Pilita Corrales sa tahanan mismo ni Claire sa Paranaque. 

       Ang pictorial ay gagamitin sana para sa publicity promo sa series of concerts nila na gaganapin sana sa US noong 2020 pero naabutan na ng pandemic at hindi na natuloy .

<script data-ad-client="ca-pub-7254930474419644" async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>

        Habang ginaganap ang pictorial ay napansin ko na napakabusisi ni Claire at maya-maya ang silip niya sa camera ng photographer  para i-check kung okey ba ang kanyang kuha. 

     Ito rin ang huling meryenda nila together. Sagana palaga ang hapag kainan ni Claire ng masasarap na pagkain at hindi uuwi ang kanyang mga bisita nang gutom. 

       Mga gowns ng designer na si Edwin Rosas Visda ang ginamit nina Eva at Pilita samantalang si Claire ay sarili niyang gown ang ginamit saying :"ang dami kong gowns sa taas". 

      Si Claire ay kabilang sa tinagurinag Jukeboz Queens  at nagpasikat ng kantang "Sayang". 

      Pumanaw si Claire sa edad na 62 due to COVID complications. 

     Rest in Peace Miss Claire at maraming salamat sa iyong musika. 


https://youtu.be/gg1F__T3mc8


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LAUNCHING NG NEW MALE GROUP NA "MAGIC VOYZ" SUPER SUCCESSFUL

MOVIE PRODUCER VENTURES INTO SPA BUSINESS

"SISID MARINO" STARRING JHON MARK MARCIA, NUMBER 1 NOW ON VIVAMAX