Posts

Showing posts from January, 2024

PAO Chief Atty. Persida R. Acosta tumayong inducting officer ng mga bagong halal na 2024 PMPC officers

Image
Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) kay Public Attorney's Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na tumayong inducting officer sa oath taking at induction na ginanap nitong Huwebes, Enero 25, sa Peng Lai Finest Chinese Cuisine restaurant sa Times St., Quezon City. Nanguna sa oath taking ang bagong Pangulo ng PMPC na si Rodel Fernando kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan nina Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), at Glen Sibonga (Public Relations Officer). Kasama ring nanumpa ang Board Members na binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon. Hindi nakadalo sa oath taking ang Vice President na si Eric Borromeo at isa pang PRO na si Leony Garcia. Naging saksi naman sa oath taking ang mga miyembro ng PMPC. S

PASKONG BG 2023

Image
ISA sa local production outfit , ang BG Production na kahit na may pandemic noon at kahit na hindi gaanong active sa ngayon ang kumpaya pero tuwing Pasko ay hindi ito nakakalimot sa press na tumutulong upang mabigyan ng publicity sa kanilang mga panulat at vlogs ang mga pelikula na pino-produce ni Maam Baby Go , producer ng BG Production. Noong December 29, bagama't tapos na ang Pasko ay ginanap ang post Christmas Party sa isang Chinese Restaurant sa Shaw Boulevard, Mandaluyong . Bukod sa masasarap na pagkain , bumaha rin ang pa-raffle kungsaan kasama ang press at mga bisita raffle. Ang ganda pa rin ni Maam Baby Go. Hindi siya tumatanda, feeling ko pa nga mas bumabata siya ngayon. Nangangako ito na ngayong 2024 ay magiging active ang kanyang movie productions, at ibabalik din niya ang kanyang BG Magazines. Ilan sa mga celebrity na unang dumating ay si Imelda Papin kasama ang kanyang ate na si Gloria Belen. Nag-promote si Ate Mel ng kanya